Amy Austria feeling ‘pinagpala’ nang matalo sina Nora at Vilma sa pagka-best actress sa MMFF; hindi nagagalit kapag dinededma ng baguhang artista
FEELING “blessed and lucky” ang veteran actress na si Amy Austria nang matalo niya sa labanan ng pagka-best actress ang Superstar na si Nora Aunor at Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Forever nang ite-treasure ng batikang aktres ang pagkapanalo niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1980 bilang pinakamahusay na aktres para sa pelikulang “Brutal.”
Dito nga tinalo ni Amy ang dalawang award-winning actress na sina Ate Guy na nominado sa mga pelikulang “Bona” at “Kung Ako’y Iiwan Mo,” habang si Ate Vi naman ay bumida sa “Langis at Tubig”.
Sa guesting ni Amy sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday, natanong nga siya kung ano ang na-feel niya nang talunin niya ang dalawang movie icon sa pagiging best actress.
View this post on Instagram
“I was so blessed, na pinagpala ako ng magandang role, na nagkaroon ako ng opportunity na maipakita or magawa ‘yung… ‘yung pagkakagawa kasi ng mga eksena, maganda eh,” pahayag ni Amy.
Umikot ang kuwento ng “Brutal” sa isang babaeng pinatay ang asawa at mga kaibigan. Isang journalist ang nagkainteres sa kanyang kuwento kaya ginawa niya ang lahat para matuklasan ang katotohanan sa naganap na karumal-dumal ba krimen.
Paliwanag ni Amy, kapag nanalo ang isang artista ng award, hindi naman daw ito nangangahulungan na mas magaling na siya sa kanyang mga kalaban.
Baka Bet Mo: Xian Lim pinagtripan nina Amy Austria at Direk Dominic Zapata sa taping: ‘Pinakain namin siya ng ulo ng galunggong’
“Minsan sa totoo lang ‘yung pagiging best actress hindi naman ibig sabihin mas magaling ka kaysa sa ibang natalo mo.
“Nagkataon lang na mas maganda ‘yung role mo, mas marami kang dramang eksena, mas naipakita mo ‘yung kaya mong gawin,” ang pahayag ng aktres na napapanood ngayon sa GMA primetime series na “Hearts On Ice.”
View this post on Instagram
Samantala, naiintindihan niya kung may mga baguhan at kabataang artista na hindi babati o papansin sa kanya. Aniya kay Tito Boy, “guity” rin naman daw kasi siya sa isyung ito lalo na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Inamin niyang hindi rin siya kaagad bumabati sa mga veteran at senior stars dahil nauunahan siya ng hiya at takot, “‘Yung mga mas matatandang artista, nahihiya akong mag-approach o natatakot ako kasi, unang-una, hindi ko nga alam na puwede pala akong maging artista.
“Siyempre takot din ako in a sense na ibang level sila eh, mataas masyado ang pagtingin ko. Kaya babati ba ako o hindi, gaganyan ba ako?’ Pero kapag nakita mong approachable naman, ‘Good evening po!’ ‘Good morning po!’ ganyan,” pagbabahagi pa ni Amy.
“Nagtatantiya-tantiya ka. Tapos pagdating na lang sa kung magkaeksena kayo, ‘Hello po.’ Siyempre pagbubutihan mo na lang para hindi mainis sa ‘yo.
“Siyempre ang mga bata, lalo na mga bata ‘yan eh. Hindi mo alam kung paano sila lumaki. Baka natatakot.
“Lalo na ako, minsan ang roles ko mga kontrabida, may image akong mataray, baka mamaya meron silang gano’n, hindi natin alam. Baka may istorya sila sa buhay nila, may problema,” aniya pa.
Kaya ang ginagawa raw niya, siya na ang unang bumabati, “Ako kapag ganu’n, ‘Hello! Hi anak!’ Ako si Amy Austria, ako ‘yung lalabas na ano mo rito.’ Kung kinabukasan ganu’n pa rin, hindi pa rin siya lumalapit, ‘Ay hello!’ Uulitin ko. Ha-hahahaha!”
Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.