Amy Austria namasukang 'kasambahay' sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi | Bandera

Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 08:00 AM

Amy Austria

IBINANDERA ng award-winning actress na si Amy Austria na bago siya napasabak sa mundo ng showbiz ay napakarami rin niyang pinagdaanang hirap sa buhay.

Naibahagi ng beteranang aktres ang ilang kaganapan noon sa kanyang kabataan nang mag-guest siya kamakailan sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga”.

Kuwento ni Amy, edad 14 nang pumasok siya sa entertainment industry at magsimulang mag-artista at kahit teenager pa lang noon ay napasabak agad siya sa pagpapaseksi sa pelikula.

“Kasi noong napasok ako sa show business, ang uso noon ay si Alma Moreno, the star of ’76, ‘yung mga pa-sexy, bold na tema.

“So, kahit na bata ka, teenager ka pa lang, noong panahon na ‘yun, ‘yun ‘yung trend. Mature na agad ang mga roles (na ginagampanan ko),” pag-amin ng veteran star.

Naibahagi rin ni Amy sa mga Dabarkads na bago siya mag-artista, namasukan muna siya bilang kasambahay sa edad na 5 dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Kailangan daw kasi niyang kumita ng pera kahit paano noon para matupad ang pangarap niya na makapag-aral tulad ng kanyang kapatid.

“Noong bata ako gusto kong mag-aral bago ako mag-six years old, naiinggit kasi ako sa kapatid ko dahil nakakapag-grade one na siya, isa lang kasi ‘yung kayang pag-aralin sa amin noon ng mga magulang ko.

“So pumasok ako doon sa tiyahin ko bilang parang katulong para mapag-aral niya. Yes, bilang kasambahay,” pagbabalik-tanaw pa ng premyadong aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amy Ventura (@amyaustria_ventura)


Ngunit hindi rin niya natapos ang kanyang pag-aaral nang mag-artista na siya dahil siya na ang naging breadwinner ng kanilang pamilya. Talagang nanghinayang daw siya nang hindi man lang siya nag-graduate sa high school.

“Kapag tumigil akong magtrabaho ‘yung mga kapatid ko hindi makakapag-aral, yes, ako na ‘yung breadwinner, para silang mga kapatid ko, anim kaming magkakapatid, e  makapag-aral,” kuwento pa ni Amy Austria.

Sa ngayon, super happy pa rin si Amy sa piling ng asawang si Duke Ventura. Mahigit dalawang dekada na silang magkarelasyon at going strong pa rin ang kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang aktres sa kanyang Filipino-Korean husband noong January, 1999. Naging asawa rin niya noon ang yumaong aktor na si Jay Ilagan.

Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae!

Jobert Austria natagpuan na ang tunay na ina after 50 years: Pinapatawad na kita…

Amy biglang napaiyak sa ‘Showtime’, ikinumpara sa saranggola ang mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending