Vilma Santos sa mga pasaway na youngstars: 'Alam n'yo huwag kayong ganyan, kasi hindi kayo tatagal sa showbiz' | Bandera

Vilma Santos sa mga pasaway na youngstars: ‘Alam n’yo huwag kayong ganyan, kasi hindi kayo tatagal sa showbiz’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 08:25 AM

Vilma Santos sa mga pasaway na youngstars: 'Alam n'yo huwag kayong ganyan, kasi hindi kayo tatagal sa showbiz'

Vilma Santos

ANIM na dekada na sa mundo ng showbiz ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanyang career.

In fairness kay Ate Vi, napanatili niya ang kinang ng kanyang bituin sa entertainment industry sa loob ng 60 years na may sandamakmak na awards bilang alagad ng sining at bilang public servant.

At dahil nga sa tagal na niya bilang aktres at itinuturing nang haligi sa industriya ng telebisyon at pelikula, nahingan si Ate Vi ng reaksyon hinggil sa mga pasaway na kabataang artista lalo na yung mga walang respeto sa mga veteran stars.

“Alam n’yo huwag kayong ganyan, kasi hindi kayo tatagal. Number one is respect to your colleagues. Nandoon ‘yung X factor mo para umangat ka kasi ang dami ngayon. Give it two months, may bago na namang lalabas,” simulang paalala ng movie icon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


“Kaya kung wala kang X factor, at one of them is being respectful to your colleagues, lalo na sa mga seniors, palagay ko wala kang pupuntahan,” dagdag pa ng bagong celebrity ambassador ng motorcycle taxi company na Angkas.

Samantala, ngayong wala na siya sa politika at ine-enjoy na ang kanyang pagiging “junior citizen” (tawag niya sa senior), napakarami  raw niyang naiisip gawin.

“As you can see, I am continuously evolving and I’m still open for new things and new challenges in life. I’m open to learn more. You never stop. Tuloy lang ‘yan,” ani Ate Vi nang matanong nga tungkol sa pagiging vlogger.

“Hindi ko naman ma-imagine that I would become a vlogger. Wala na. Hindi na natin malalabanan ang social media.

“The time na dinaanan natin ang pandemic na wala tayong ginawa, I guess that was the time that my son Lucky (Luis Manzano) and Jessie (Mendioa) stayed in my home and they taught me how to vlog.

“I am enjoying the experience. Nagkaroon tayo ng pandemic that hindi ka naging visible, through vlogging, I started to have communication to friends and family.

“Nakagawa ako ng vlog at may mga comments. I felt that I became close again to them. For my content, they teach me what to put in my vlog. Every day, things that have been happening to you or occasions that you go to, pwede ‘yun.

“I guess it’s better when it’s raw. Hindi planado. Mas magugustuhan ng subscribers mo,” aniya pa.

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending