Nora Aunor palaban pa rin sa mga pelikula, nakatanggap ng parangal sa Vietnam | Bandera

Nora Aunor palaban pa rin sa mga pelikula, nakatanggap ng parangal sa Vietnam

Pauline del Rosario - November 26, 2022 - 04:38 PM

Nora Aunor palaban pa rin sa mga pelikula, nakatanggap ng parangal sa Vietnam

PHOTO: Instagram/@aalixjr

HINDI pa rin matitibag pagdating sa pag-arte ang batikang aktres na si Nora Aunor.

Dahil kahit ilang dekada na siya sa showbiz industry ay patuloy pa rin siyang kinikilala kahit sa ibang bansa.

Gaya nalang ng kanyang recent movie project na nagwagi bilang “Best Asian Feature” sa Hanoi International Film Festival na naganap kamakailan lang sa Vietnam.

Si Nora ang bumida sa pelikulang “Kontrabida” na inilaban sa nasabing film fest.

Ang magandang balita ay inanunsyo mismo ng direktor ng pelikula na si Adolfo Alix Jr. sa Instagram.

Ibinandera niya ang certificate ng nakuhang award, pati na rin ang ilang litrato sa awards night.

Ikinuwento pa ni Direk Adolfo na ginawa nila ang award-winning film sa kasagsagan ng pandemya.

Caption niya sa IG post, “Unexpected blessings give you more inspiration to go on and tell unfamiliar stories.

“KONTRABIDA (The Villain) got the NETPAC Award for Best Asian Feature in the recently concluded Hanoi International Film Festival.”

Patuloy pa niya, “We shot this film during the height of the pandemic so I’m happy for the whole team. Our efforts paid off.”

Lubos ding nagpasalamat ang direktor sa lahat ng mga bumubuo sa pelikula, pati na rin ang mga naniniwala sa tagumpay ng kanyang proyekto.

“Grateful to our producers Joed Serrano and Celinda de Guia for believing in the project when during that time it’s a risk to do projects like this. And to the lynchpin of film, Ate Guy and the wonderful ensemble of actors!,” lahad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr)

Ang “Kontrabida” ay tungkol kay Anita Rosales na ayon kay Direk Adolfo, “he woman behind the facade of the strong characters she portrayed on screen as she struggle with her personal life.”

Ang karakter ni Anita ay ginampanan ni Nora.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr)

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit

Nora Aunor itinanghal bilang isa sa mga national artists

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending