Celebrity couple ilang buwan nang hiwalay, hindi umaamin dahil sa mga kontratang milyones ang halaga | Bandera

Celebrity couple ilang buwan nang hiwalay, hindi umaamin dahil sa mga kontratang milyones ang halaga

Reggee Bonoan |November 20,2023
facebook
share this

Celebrity couple ilang buwan nang hiwalay, hindi umaamin dahil sa mga kontratang milyones ang halaga

Reggee Bonoan - November 20, 2023 - 04:51 PM

Celebrity couple ilang buwan nang hiwalay, hindi umaamin dahil sa mga kontratang milyones ang halaga

Guess, guess who?!

TRULILI kaya na may ilang buwan nang hiwalay ang magkarelasyong aktor at aktres pero hindi pa lang opisyal na inaamin dahil marami silang endorsements at ang iba ay upcoming pa lang?

Ang nangangalaga ng karera nina aktor at aktres ang nagsabing huwag daw muna silang umamin dahil maraming tatamaang kontrata na milyones ang mga halaga.

Bukod dito ay pinag-iisip-isip din daw muna sina aktor at aktres na baka nabibigla lang sila at need muna nilang magpahinga sa isa’t isa at saka ulit mag-usap sa takdang panahon.

Baka Bet Mo: Showbiz couple na bagong kasal hiwalay na agad, female star na nakatrabaho ng aktor sinisi

“Pero si girl (aktres) matigas, ayaw na raw niya. Nawala na ‘yung trust niya kay ____ (aktor),” tsika ng aming source.

Kabilang sina aktor at aktres sa favorite reel and real loveteam sa showbiz kaya namagitan ang management na pag-isipang mabuti dahil baka need lang nila ng space.

Anyway, kuwento ng aming source ay ang ganda ng aura ngayon ng aktres dahil positibo ang feedback sa kanya ng netizens sa mga nangyari sa kanila ni aktor at higit sa lahat ay, “masarap daw pala sa pakiramdam ang hindi nakatuntong sa numero.”

Sa kabilang banda ay namumroblema ang kaanak ng aktor dahil malaking epekto ito sa karera ng binata at sana malampasan nito ang lahat ng gusot nila ng aktres dahil malaking kawalan sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending