Mag-dyowang artista nanganganib na maghiwalay

Mag-dyowang artista nanganganib na maghiwalay dahil sa magulang nila, true kaya?

Reggee Bonoan - November 16, 2023 - 12:45 PM

blind item

TRULILI kaya na isa rin sa dahilan kung bakit nagkakalamigan ngayon ang magkarelasyong aktor at aktres ay dahil sa gusot ng kanilang magulang?

Matagal na raw kasing pinapayuhan ng ina ng aktres ang aktor na dapat may investment na ito sa laki ng kinikita niya simula ng mag-artista siya.

“Tinanong kasi ng ina ng aktres si (aktor) kung ano na ang latest investment niya dahil ang huling balita nito ay isang salon na hindi rin nagtagal dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

“Tapos since then walang nabalitaan si (ina ng aktres) kung ano ang plano nito sa kinikita niya na dapat ay nagpatayo siya ng mga bahay o townhouses at paupahan niya para may passive income siya dahil hindi naman habambuhay ay nasa tuktok siya sa showbiz.

Baka Bet Mo: Female celeb napakasimple at super tipid kahit mayaman ang magulang: Yung car nga niya ang luma-luma na

“E, parang nakarating yata ito sa ina naman ni (aktor) na bakit nakilialam siya (ina ng aktres) dapat walang pakialamanan”sabi ng aming source.

Tinanong namin ang aming source kung ano ang bagong nabili ng aktor, “kotse lang daw, mahiilg kasi sa sasakyan tsaka pamorma.”

Niyaya pa raw dati ng aktres ang karelasyong aktor na mag-invest sila sa isang malaking property na later on ay malaki ang kita at um-oo naman pero nu’ng hinahanap na ang share ng binata ay nabago na ang ihip ng hangin dahil may ibang paglalaanan daw.

“Tapos nalaman na pinang-negosyo pala nu’ng magulang ni (aktor) at hindi pa raw nababalik ang puhunan, e, malaki ‘yun,” sey ng aming source.

Dagdag pa, “kung meron mang hawak na pera ngayon si (aktor) hindi kalakihan, sakto lang sa panggastos niya.”

Sa kasalukuyan ay inaayos nina aktor at aktres ang problema nila pero dahil may namamagitang magulang sa kanila ay baka tuluyan na silang magkalabuan at mauwi sa hiwalayan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene may matinding pinagdaraanan…bakit nadamay sa mga tsismis tungkol kina Angel at Neil?

Aktor, non-showbiz GF muntik nang maghiwalay dahil sa sobrang stress sa mga bayarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending