Aktor, non-showbiz GF muntik nang maghiwalay dahil sa sobrang stress sa mga bayarin | Bandera

Aktor, non-showbiz GF muntik nang maghiwalay dahil sa sobrang stress sa mga bayarin

Reggee Bonoan |January 18,2022
facebook
share this

Aktor, non-showbiz GF muntik nang maghiwalay dahil sa sobrang stress sa mga bayarin

Reggee Bonoan - January 18, 2022 - 05:42 PM

MABUTI naman at naayos na ng aktor ang gusot nito sa kanyang girlfriend dahil sayang naman ang pinagsamahan nila at kung paano niya ito ipinaglaban noon.

Tsika ng aming source, “Tungkol sa work ang isyu at plano ni girl magpalipas muna at gustong umuwi sa kanila. Si _____ (aktor) siyempre ayaw kasi nga pag nangyari ‘yun, alam na niya ang mangyayari saka ano sasabihin ng magulang ni girl.”

Si aktor ay naging kontroberysal noon dahil inakala ng netizens na makakatuluyan nito ang kapartner niyang aktres sa pelikulang tumabo sa takilya ilang taon na ang nakararaan kasi nga lagi silang lumalabas pagkatapos ng pelikula.

Ang daming pabor kina aktor at aktres at bagay na bagay daw kaya halos laman sila sa lahat ng balita, pero isang araw nagulat na lang ang netizens na hindi na nagkikita ang dalawa dahil may iba nang dine-date ang binata.

Si aktres ay wala ring maisagot kapag natatanong ng mga kaibigan dahil wala naman daw silang pinag-awayan.

Siyempre na-bash nang todo si aktor pati ang babaeng dine-date niya na tinanggap naman nila ito at ni minsan ay hindi sumagot ang binata, as in dedma siya.

Nagsawa na rin ang bashers kay aktor kaya okay na at tanggap na rin ang kasalukuyang kasintahan niya ngayon at heto nga nagkaroon pa ng isyu.

Tinanong namin kung posibleng mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa, “Basta sabi lang ni _____ (girlfriend) gusto niyang magpalipas muna kaya uuwi sa kanila. ‘Yun ang saktong sinabi.

“Itong si ____ (aktor) hindi nga pumayag tapos nagkasagutan hindi nagkikibuan ilang araw, then paggising ko, okay na sila. Sabi niya ____ (aktor), ‘okay na kami.’

“Feeling ko stress sila kasi ang daming bayarin tapos walang project ngayon si _____ (aktor), hirap din kasing mag-maintain sa nakasanayang lifestyle,” kuwento pa ng aming source.

Tsinek namin ang Instagram account ng aktor at ng girlfriend niya pero parang wala rin naman kaming nakitang ganu’n labongga ang lifestyle nila dahil napakasimple lang ng pamumuhay nila.
At base rin sa mga panayam namin dati kay aktor simpleng tao lang siya at wala kaming alam na may bisyo siya maliban sa paglalaro ng Mobile Legends at pagmomotor.

Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?

Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending