Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak | Bandera

Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 07:35 AM

Buboy Villar nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Jelai Andres; napaiyak nang mapag-usapan ang 2 anak

Jelai Andres at Buboy Villar

MAY relasyon na nga ba ang Kapuso comedian-TV host na si Buboy Villar at ang sexy actress-content creator na si Jelai Andres?

Yan ang isa sa diretsahang sinagot ng isa sa mga host ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Marami kasi ang nagsasabi na parang nag-level up na raw ang friendship ng dalawang Kapuso stars sa isang mas seryosong relasyon.

Ang tanong ni Tito Boy kay Buboy, “Kayo na nga ba ni Jelai Andres?” Na sinagot ng komedyante ng, “Hindi po, Tito Boy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Sundot na question ng premyadong TV host, “Buboy, wala bang mga pagkakataon na sumasagi sa ‘yong isipan kapag tinititigan mo si Jelai na, ‘Bakit hindi?’”

“Actually, Tito Boy, maraming beses na po ‘yan,” ang pagpapakatotoong tugon ni Buboy. Pero sey ng komedyante, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang sagot.

Baka Bet Mo: Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Ngunit sumusumpa raw siya na talagang magkaibigan lang sila ni Jelai ngayon at naka-focus pa rin siya sa pagtupad sa mga goals niya sa buhay lalo na ang mga pangarap niya para sa dalawang anak.

Matagal nang natsitsismis na may relasyon daw sina Buboy at Jelai dahil na rin sa kanilang extra closeness, bukod pa sa palagi raw kasi silang magkasama sa mga events at showbiz gatherings.

Samantala, naging emosyonal naman si Buboy nang mapag-usapan nila ni Tito Boy ang kanyang mga anak sa dating partner na si Angillyn Gorrens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)


Nabanggit kasi ng aktor na ang pagrespeto ang nais niyang tandaan ng kanyang mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Baka Bet Mo: Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

“‘Wag na ‘wag nila kakalimutan ‘yung salitang respeto. Hanggang sa tumanda sila, respeto, ang kasunod no’n ay trust, at ang sumunod ay love,” sey ng komedyante.

Talaga raw ginagawa niya ang lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak at aminado siya na  mahirap talagang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aasikaso sa mga anak.

“Ayaw kong nakatambay sa bahay. Gusto ko laging nagtatrabaho, pero dahil diyan, siguro may nawala, dahil ‘di ko nabigay ‘yung time,” ani Buboy.

Pero siyempre raw bilang ama, sa lahat daw ng kanyang ginagawa sina Vlanz Karollyn at George Michael pa rin ang priority niya kahit anong mangyari, “Ang pinili ko ay ang mga anak ko kasi sila ang mundo ko, eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naghiwalay sina Buboy at Angillyn noong October, 2020 ngunit nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending