Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa 'yo? | Bandera

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Therese Arceo |April 05,2022
facebook
share this

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Therese Arceo - April 05, 2022 - 05:27 PM

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa 'yo?
LABIS ang tuwa ng Kapuso actor na si Buboy Villar matapos siyang makatanggap ng malupit na sorpresa mula sa kanyang malapit na kaibigan na si Jelai Andres.

Noong March 21 ay nag-celebrate ng 24th birthday ang aktor at nagkaroon ito ng simpleng salo-salo na dinaluhan naman ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

At para mas pasayahin ang kaarawan ni Buboy, naisipan ni Jelai na i-prank muna ito bago ibigay ang kanyang pangmalakasang sorpresa na ibinahagi niya sa kanyang YouTube vlog.

“Nagpahanap ako ng lumang brief ni Buboy,” pagkukwento ng actress-vlogger bilang parte ng kanyang prank sa kaibigan.

Noon kasing nag-celebrate si Jelai ay ginawan siya nito ng prank kung saan pina-snatch nito ang bag ng actress-vlogger bago niya ito sinorpresa kaya naisip niya na gantihan ang kaibigan.

Nang matanggap na niya ang lumang brief at lumang bag ni Buboy ay inilagay niya ito sa box ng Louis Vuitton para akalain ng aktor na iyon talaga ang kanyang regalo.

Hiling naman ni Jelai na sana ay magustuhan ng kaibigan nang regalong inihabda niya dahil talaga namang pinag-ipunan niya ito.

“Si Buboy kapag binibigyan ko ‘yun ng something special o basta may ibinibigay ako sa kanya… minumura ako nun palagi. Kaya panigirado, mumurahin ako n’yan mamaya,” pagkukwento ng actress-vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)

Ayaw raw kasing tanggapin ni Buboy ang mga regalo niya paminsan pero ngayon daw ay hindi ito makakatanggi dahil birthday naman daw niya.

Matapos makikain ay inabot na ni Jelai ang “prank” gift niya kay Buboy.

Puro mura naman ang inabot ni Jelai nang makita niya na lumang bag na ginagamit niya sa paresan ang laman ng box.

Muli na namang nag-abot ng box ang actress-vlogger na naglalaman naman ng lumang brief ng aktor kaya naman medyo nahiya ito dahil “bacon” na ang kanyang brief.

Pero ang ikinagulat ni Buboy ay nang abutan siya ni Jelai ng box ng mamahaling cellphone tapos ay pinagmumura na naman niya ang kaibigan.

“Ul*l ka, g*go,” hindi makapaniwalang saad ni Buboy.

May isa namang nagsalita mula sa mga bisita at sinabing mahal talaga siya ng kaibigan.

“Gag*, hindi talaga kaya. Ano to? Suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?” pabirong saad ni Buboy.

Hanggang sa matapos ang celebration ng aktor ay hindi pa rin siya maka-move on sa regalo ng kanyang kaibigan.

“Ako ‘yung tao na hindi ko na kailangan ng pinakamahal na bagay sa mundo. Pinakamahalaga sa akin pagkakaibigan. Pero ito, kaibigan na kita tapos binigyan mo pa ako nito ( iPhone 13 Pro Max). Sobrang salamat,” muling pasasalamat ni Buboy kay Jelai.

Related Chika:
Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy Villar iyak nang iyak nang ihatid sa airport ang anak: Mami-miss ko ‘yung amoy n’ya, ‘yung kadaldalan n’ya

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending