Buboy Villar iyak nang iyak nang ihatid sa airport ang anak: Mami-miss ko 'yung amoy n'ya, 'yung kadaldalan n'ya Bandera

Buboy Villar iyak nang iyak nang ihatid sa airport ang anak: Mami-miss ko ‘yung amoy n’ya, ‘yung kadaldalan n’ya

Ervin Santiago |November 29,2021
share this

Buboy Villar iyak nang iyak nang ihatid sa airport ang anak: Mami-miss ko ‘yung amoy n’ya, ‘yung kadaldalan n’ya

Ervin Santiago November 29, 2021 - 08:24 AM

Buboy Villar at Vlanz Korollyn

IYAK nang iyak ang Kapuso comedian na si Buboy Villar nang ihatid na ang kanyang anak na si Vlanz Karollyn sa airport para sa flight nito patungong Amerika.

Hindi nakayanan ng komedyante ang pag-alis ng anak para sa US na manirahan kasama ang nanay nitong si Angillyn Gorens pero talagang pinigil niya ang maging emosyonal nang magpaalam na siya sa bagets.

Nang bumalik na siya sa kanilang sasakyan ay saka lamang inilabas ni Buboy ang kanyang nararamdaman hanggang sa tuluyan na ngang bumuhos ang kanyang luha.

Kasama ni Vlanz sa pagbibiyahe papuntang Amerika ang mga magulang ng kanyang ex-partner. Ayon sa aktor, kailangang pumunta roon ng anak para sa US citizenship nito. 

Ang bunso nina Buboy at Angillyn na si George Michael ay isinilang sa Amerika kaya dual citizen na ang bata at naiwan nga ito sa pangangalaga ni Buboy. 

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinahagi ng komedyante ang mga bonding moments nila ng apat na taong gulang na anak bago niya ito tuluyang ihatid sa airport.

Napakasakit daw na mawalay sa piling niya si Vlanz, “Siyempre, hindi rin naman madali magpalaki ng bata. Of course, kailangan natin tingnan kung ano ang makakabuti para sa kanila.” 

Emosyonal pang sabi ni Buboy, “Mami-miss ko ‘yung amoy n’ya, ‘yung kadaldalan ng bata na ‘to. Alam n’yo, sobrang pasalamat ko sa Diyos na ibinigay n’ya sa akin ‘yung ganitong responsibilidad na talagang ginrab ko. Hindi na ako nagdalawang-isip kaya thank God.”


Sa kabila ng kalungkutan, mas nangingibabaw daw ngayon sa puso niya ang pagiging tatay at handa siyang magsakripisyo para sa magandang future ng mga anak.

Sabi ni Buboy, “Siyempre, kailangan nating isipin ‘yung future nila, hindi ‘yung sa ngayon lang, hindi para bukas, hindi para next year, hindi next week. ‘Yung future na ‘yung pinag-uusapan.”

Kung matatandaan, naghiwalay sina Buboy at Angillyn noong 2018 pero sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon, napanatili pa rin nila ang kanilang friendship at nagkaroon nga ng kasunduan para sa pag-aalaga at pagpapalaki sa dalawa nilang anak.

Marami namang netizens ang nagbigay ng suporta at positibong komento para kay Buboy at halos lahat ay nagsabing ipagdarasal nila ang pamilya ng aktor 

“Heartbreaking para sa isang magulang ang mapalayo sa anak..naiyak ako sobra pero para ikakabuti ng future nila kailangan magsakripisyo pareho…isa akong ofw mom of 3 ang liliit pa nila una ko sila iwan. ngayon lahat binata na diko na sila nagabayan nakita ang paglaki nila kz sa kakaisip ng future nila nagpabalik balik na ako sa ibang bansa. keep praying Bok! Godbless u be strong!” ang isa sa mensaheng natanggap ni Buboy.

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending