Francine Diaz sumabak na rin sa pagiging singer, pinabilib si Jamie Rivera: 'Nakakatakot po na nakakatuwa!' | Bandera

Francine Diaz sumabak na rin sa pagiging singer, pinabilib si Jamie Rivera: ‘Nakakatakot po na nakakatuwa!’

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Francine Diaz sumabak na rin sa pagiging singer, pinabilib si Jamie Rivera: ‘Nakakatakot po na nakakatuwa!’

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 07:45 AM

Francine Diaz sumabak na rin sa pagiging singer, pinabilib si Jamie Rivera: 'Nakakatakot po na nakakatuwa!'

Jamie Rivera at Francine Diaz

BUKOD sa pagiging artista, matatawag na ring legit singer ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Tinanggap ni Francine ang hamon na makapag-record ng kanta para sa pinakabagong record label ng ABS-CBN, ang Inspire Music.

Isa si Francine sa mga featured artists ng Inspire Music na isa sa mga kumanta ng “Faith, Hope and Love” track. Isa sa mga nais ibanderang mensahe nito sa buong universe ay “world peace.”

Bukod sa award-winning OPM icon na si Jamie Rivera, na siya ring  head ng Inspire Music, kasama rin ni Francine na kumanta ng “Faith, Hope and Love” sina KD Estrada at Jed Madela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mary Jane Cruz Mendoza (@jamierivera8295)


Sa naganap na presscon para sa Inspire Music, kasama ngang kumanta ng ka-loveteam ni Seth Fedelin si Jamie at in fairness, may boses naman pala talaga ang dalaga.

Ano nga ba ang feeling ni Francine na isa na rin siya ngayong recording artist? “Nakakatakot po na nakakatuwa. Kasi po dahil sa ‘Faith, Hope and Love’ na ito ay baka masanay sila o mag-expect ang mga tao sa akin na kapag kakanta ako ay magaling ako.

Baka Bet Mo: Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday…many more years to come, love you sweetheart!

“Pero hindi naman po talaga, kinakaya ko po at pinag-aaralan ko pa lang,” pag-amin ng aktres.

“Minsan napapaisip din ako kung gusto ko ba talagang aralin ‘yung pagkanta or pasukin ‘yung music industry.

“Siguro po hindi ngayon. Pero kasi ito po para sa akin ay hindi lang po siya basta opportunity but a blessing na rin po sa akin.

“As someone na hindi naman po talaga singer ay nagtiwala po si Ms. Jamie sa akin na isama ako sa kanta nila na ‘Faith, Hope and Love.’ Siguro po kapag ready na ako ay papasukin ko po ang music industry.

“Sa ngayon hindi naman po ako nagsasara ng pintuan o sa mga panibagong papasukin kong mundo,” pahayag pa ni Francine.

Itinuturing din niyang isang malaking achievement sa kanyang showbiz career ang makatrabaho ni Jamie Rivera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


“Bata pa lang po talaga ako naririnig ko na po ang boses ni Ms. Jamie ay hanggang ngayon ay nadala ko ‘yung ugali na tuwing umaga ay nakikinig ako sa mga kanta ni Ms. Jamie.

Baka Bet Mo: Baron balik sa pagtoma, asawang si Jamie napuno na: Grabe ang pag-relapse niya lately kaya magpapa-rehab daw siya uli

“Kaya nu’ng sinabi po sa akin na may gagawin pong kanta si Ms. Jamie at kasama po ako, sobra po akong natuwa at nabigla at the same time,” sey ni Francine.

Samantala, bukod kina Francine, KD at Jed, ilulunsad din ng Inspire Music ang ibapang inspirational songs mula sa mga Kapamilya artists na sina Angela Ken, Fabio Santos, Fana at Imogen.

“We want to generate faith para mas maraming tao ang maniwala sa Panginoon at magkaroon ng hope pati na rin pagmamahal sa kapwa. Iyon ang ultimate goal ng Inspire Music,” ani Jamie.

Aside from the uplifting track na “Hope, Faith and Love”, bumida rin ang Inspirational Diva kasama ang “It’s Showtime” child star na si Imogen at “The Voice Kids” season 5 contestant Fabio Santos sa panibagong remix ng “3-in-1” na may mensahe ng paniniwala sa Panginoon.

Ipinakita naman ng folk pop artist na si Angela Ken ang kwento ng pag-ibig at pag-asa sa kanyang upcoming single na “Pansinin Mo Naman Ako” na ilalabas sa ilalim ng Inspire Music.

Samantala, binigyan ng modern twist ng baguhang singer na si Fana ang Gloc-9 hit song na “Love Story Ko” na isinulat nina A. Polisco at Christian Martinez at ipinrodyus ni Jamie na inilabas na last Friday, November 10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga bagong awitin ito mula sa Inspire Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending