Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday...many more years to come, love you sweetheart! | Bandera

Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday…many more years to come, love you sweetheart!

Ervin Santiago |July 14,2022
facebook
share this

Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday…many more years to come, love you sweetheart!

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 02:48 PM

Jamie Evangelista at Baron Geisler

MUKHANG okay na okay na uli ang relasyon ng mag-asawang Baron Geisler at Jamie Evangelista.

Wala pang opisyal na pahayag ang magaling na aktor kung nagkabalikan na sila ng kanyang misis matapos magdesisyong “maghiwalay” muna sila pansamantala.

Ngunit natuwa naman ang mga supporters at social media followers ni Baron nang mapanood ang maikling video na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Makikita sa nasabing video clip ang simpleng pagse-celebrate ng kanilang pamilya kahapon, July 13, para sa birthday ni Jamie.

Kuha ang video sa loob ng isang restaurant kung saan kinantahan pa ng mga staff at crew si Jamie with matching cake at candle pa. Si Baron ang kumukuha ng kaganapan gamit ang kanyang cellphone.

Nakikanta rin ang aktor sa birthday song sabay tutok ng camera kay Jamie na hawak-hawak na ang cake. Pagkatapos ng kanta ay hinipan na niya ang kandila sabay tingin sa kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


Sey naman ng aktor, “Happy birthday! To many more years to come. Love you sweetheart!”

Ayon sa mga nakapanood ng video, naniniwala sila na nagkaayos na ang mag-asawa at mukhang napatawad na nga ni Jamie ang kanyang mister. Ito’y base na rin sa mga naunang posts ni Baron sa IG kung saan palagi na silang magkasama ni Jamie.

Ang unang sign ng pagbabati ng dalawa ay nang batiin ni Jamie si Baron sa pamamagitan ng Instagram noong 40th birthday nito.

“Happy Birthday, Daddy B! In life’s sunshine or rain, just ride the waves and keep swimming. I know you are trying your very best.

“Better days are coming, just trust God’s plan. We love you but for now we will enjoy the beach for you!” mensahe ni Jamie.

Nagkaroon ng lamat ang married life ng mag-asawa nang bumalik na naman sa pag-inom ang aktor. Ito ang dahilan kung bakit bumalik sa isang rehabilitation program.

“Nag-relapse ako nu’ng December and naging continuous siya up until last month, but now I’m back sa 12-step program na nakakatulong po sa akin.

“May allergic reaction po ako sa utak ko sa alak, I cannot stop. Once na matikman ko siya kailangan apat na araw po hanggang sa hindi na ako makatayo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Baron at Jamie sa isang civil ceremony noong September, 2019 at biniyayaan ng isang anak, si Talitha Cumi.

Jamie Evangelista love na love pa rin si Baron pero may hugot sa ‘cheating’; na-highblood sa asawa ni Moira

Baron balik sa pagtoma, asawang si Jamie napuno na: Grabe ang pag-relapse niya lately kaya magpapa-rehab daw siya uli

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending