Geneva napa-throwback sa 56th birthday ni Kuya Kim: 'Always such a gentleman at hindi ka nagbago kahit super layo na ng narating mo' Bandera

Geneva napa-throwback sa 56th birthday ni Kuya Kim: ‘Always such a gentleman at hindi ka nagbago kahit super layo na ng narating mo’

Ervin Santiago |January 25,2023
share this

Geneva napa-throwback sa 56th birthday ni Kuya Kim: ‘Always such a gentleman at hindi ka nagbago kahit super layo na ng narating mo’

Ervin Santiago - January 25, 2023 - 02:14 PM
Geneva napa-throwback sa 56th birthday ni Kuya Kim: 'Always such a gentleman at hindi ka nagbago kahit super layo na ng narating mo'

Geneva Cruz at Kim Atienza

CLOSE pala ang singer-actress na si Geneva Cruz at ang Kapuso TV host Trivia Master na si Kim Atienza.

Isa kasi ang OPM artist sa mga celebrities na bumati kay Kuya Kim na nag-celebrate ng kanyang 56th birthday kahapon, January 24.

Sa pamamagitan ng Instagram, inalala ni Geneva ang ilang memorable bonding moments nila ni Kuya Kim kalakip ang mga litrato nila together.

Ayon sa aktres at singer, mula noon hanggang ngayon ay napanati nila ng TV host ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong pareho pa lang silang nag-i-start sa entertainment industry.

“Happy Birthday to my good friend @kuyakim_atienza! Mauuna na ko bumati kasi matutulog nako, friend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


“Haha! Maraming Salamat sa ating friendship… from our mini adventures aboard your classic Vespa around Manila in the ’90s to our chill nights at Stars with some friends…

“To my first ever trip to Boracay with my sis and cous where your strength was challenged a bit because you had to carry me at one point during the trip kasi akala ko kaya ko matalo yung mga pangalan sa board,” mensahe ni Geneva kay Kuya Kim.

Papuri at paglalarawan pa niya sa Kapuso TV host, “Always such a gentleman, super witty and mabait, hindi ka nagbago kahit super layo na ang narating mo.

“I am so happy you have such a fantastic woman and wonderful children by your side… you deserve all the good things and more,” dagdag pa ng aktres.

Pahabol pa niyang chika, “Unfortunately, di ko makita yung Bora pics natin, papakita ko pa naman sana yung abs mo don para makagawa ako ng before and after photos mo, pero obviously, mas marami kang pandesal ngayon and that’s only because of how awesome of a human you are.”

Samantala, nag-post din si Kuya Kim ng ilan throwback photos mula sa iba’t iban taon ng kanyang birthday celebration na may caption na, “Fifty-six years little Kim boy.

You didn’t do so bad. Happy birthday kid! All glory to God!” ang short but sweet niyang mensahe sa kanyang ika-56 kaarawan.

Bakit nag-sorry si Sharon Cuneta sa mga bumati sa kanya ng ‘happy birthday’?

Kuya Kim masaya sa mga greetings ng ‘It’s Showtime’ hosts: Friends will always be friends

Geneva Cruz rumesbak sa basher na nagsasabing ‘trying hard’ siya: It is a reflection of how bad you feel about yourself

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending