Kuya Kim masaya sa mga greetings ng 'It's Showtime' hosts: Friends will always be friends | Bandera

Kuya Kim masaya sa mga greetings ng ‘It’s Showtime’ hosts: Friends will always be friends

Therese Arceo |January 26,2022
facebook
share this

Kuya Kim masaya sa mga greetings ng ‘It’s Showtime’ hosts: Friends will always be friends

Therese Arceo - January 26, 2022 - 06:55 PM

Kuya Kim masaya sa mga greetings ng 'It's Showtime' hosts: Friends will always be friends

LABIS na nagpapasalamat si Kuya Kim Atienza sa kanyang “It’s Showtime” family na hindi nakalimot na bumati sa kanyang kaarawan.

Sa mismong live telecast ng noontime show noong Lunes, January 24, ay binati siya ng mga Showtime hosts bago matapos ang kanilang segment na “Palarong Pang-Madla”.

Habang nagsasalita si Kim Chiu na bumabati sa mga may kaarawan ay sumingit naman sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz para batiin ang dating kasamahan.

“Kuya Kim! Happy Birthday!” saad nila.

Bumati rin sina Vhong Navarro at Amy Perez sa kanya.

Hindi naman kami sigurado kung sino sino ang bumati sa dating Kapamilya weatherman dahil sabay sabay na nagsasalita ang mga hosts.

Sa Instagram story rin ni Kuya Kim ay ni-repost niya ang video mula ng pagbati sa kanya ng “It’s Showtime” hosts na may text na “thank you for the creetings @itsshowtimena”.

Bukod rito ay may pagbati rin sa kanyang Instagram post sina Amy Perez, Vhong Navarro, at Jugs Jugueta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

“Happy Birthday dear. Praying for you always. Ingat ka,” saad ni Tyang Amy.

“Happy Birthday Ninong Bro! Stay safe! Love u,” comment naman ni Vhong.

“So proud of you, Ninong!!! Happy happy birthday again!” sey naman ni Jugs.

Hindi rin siya nakalimutan ng mga dating kasamahan sa ABS-CBN News and Current Affairs ang bumati sa kanyang kaarawan.

“Happy Birthday. You are blessed my friend! Glad we spent your bday together,” sabi ni Karen Davila.

Isang Instagram story ng kanilang selfie na may text na “Happy Birthday @kuyakim_atienza” ang pagbati ni Gretchen Fullido.

Matatandaang Setyembre 2021 nang lumipat si Kuya Kim sa Kapuso network matapos ang halos dalawang dekadang pananatili niya sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging parte si Kuya Kim sa mga Kapamilya network gaya ng “TV Patrol”, “Matanglawin”, at “It’s Showtime”.

Related Chika:
Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending