Police major na suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon lumantad na, umaming may 'affair' sila ng beauty queen

Police major na suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon lumantad na, umaming may ‘affair’ sila ng beauty queen

Ervin Santiago - November 16, 2023 - 01:33 PM

Police major na suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon lumantad na, umaming may 'affair' sila ng beauty queen

Catherine Camilon

LUMANTAD na ang police major na itinuturing na prime suspect sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Diretsahang inamin ni Major Allan de Castro na may “illicit relationship” sila ni Catherine na isang grade school teacher at naging kandidata sa Miss Grand Philippines 2023.

Humarap si De Castro kay chief PNP General Benjamin Acorda Jr. at CIDG Director Romeo Caramat, nitong nagdaang Miyerkules, November 15, sa Camp Crame.

Sabi ni Caramat sa ulat ng “24 Oras”, “Siya po ay iniharap natin kay Chief PNP and he admitted na mayroon silang illicit relationship with Miss Camilon.”

Ayon pa sa PNP, inireklamo na raw noon ni Catherine si De Castro ng pisikal na pananakit.

Pagbabahagi pa ni Caramat, 30 minutes daw nag-usap sina PNP chief Acorda ngunit hindi pa rin daw ito nagsalita hinggil sa pagkawala ni Catherine. Ang inamin lang daw nito ay ang relasyon nila ng dalaga.

Baka Bet Mo: Inabandonang sasakyan na natagpuan sa Batangas City posibleng may kaugnayan sa kaso ni Catherine Camilon

“Nu’ng siya ay tanungin natin kung mayroon ba siyang involvement doon sa pagkawala ni Miss Camilon, ang sinabi lang niya kay Chief PNP, he invoked his right to remain silent,” sabi ng CIDG official.

Dugtong pa ni Caramat, “Nag-sorry siya kay Chief PNP for dragging the PNP organization, na nadadamay ang organization. So the Chief PNP naman accepted his apology.”

Nauna rito, kinasuhan na ng PNP ng kidnapping at serious illegal detention si De Castro pati na ang kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa na pinaniniwalaang may kinalaman din sa kaso ng beauty queen.

Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung nasaan na ang dalaga at patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng CIDG para matunton ang kinaroroonan ni Catherine na mahigit  isang buwan nang nawawala.

Sabi ni Caramat, “May marching order ang ating Chief PNP to exert all our efforts to locate Miss Camilon either alive or dead.”

Samantala, nalaman din ng mga otoridad na minsan na rin daw kinausap ni Catherine ang asawa ng police major tungkol sa umano’y relasyon nila.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Police Colonel Jacinto Malinao, regional chief ng CIDG Regon 4A, “Since the initial evaluation namin in compliance sa Department Circular 20, ay may nakita ng prima facie evidence for the crime of kidnapping and serious illegal detention.

“So tinanggap naman ang piskalya and the case will undergo a preliminary evaluation,” aniya pa.

Related Chika:

Catherine Camilon nakitang duguan ng 2 saksi habang isinasakay sa kotse: ‘It’s either hinampas ng baril or binaril’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: ‘Sana sumuko na’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending