Catherine Camilon nakitang duguan ng 2 saksi habang isinasakay sa kotse: 'It’s either hinampas ng baril or binaril' | Bandera

Catherine Camilon nakitang duguan ng 2 saksi habang isinasakay sa kotse: ‘It’s either hinampas ng baril or binaril’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 03:37 PM

Catherine Camilon nakitang duguan ng 2 saksi habang isinasakay sa kotse: 'It’s either hinampas ng baril or binaril'

Catherine Camilon

DUGUAN sa loob ng isang sasakyan ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon, base sa salaysay ng dalawang bagong saksi.

Sa latest update na inilabas ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP), malaki ang maitutulong ng paglantad ng mga naturang witness sa paglutas sa kaso ni Catherine.

Nitong nagdaang November 5 lang daw lumantad at nakipagtulungan ang dalawang saksi sa CIDG, halos isang buwan matapos mabalitang nawawala ang beauty queen.

Ayon sa naging rebelasyon ng mga saksi, nakita raw nila ang Grade 9 teacher at naging kandidata sa Miss Grand Philippines 2023, na duguan habang nasa sasakyan na naka-park sa bakanteng lote sa isang subdivision.

Positibo ring kinilala ng mga saksi ang isang pulis na itinuturing na person of interest sa kaso ni Catherine, ayon sa ulat ng “24 Oras” ng GMA.

Baka Bet Mo: Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: ‘Sana makauwi na siya’

Ayon kay Major General Romeo Caramat, Jr., CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) director, “Umiihi du’n sa lugar, nakita ng isang suspek natin at nilapitan at tinutukan sila ng baril kaya they were able to identify.

“Lumapit sa kanila, tinutukan sila ng baril,” sabi ng PNP official. Aniya pa, isa sa mga tinitingnan nilang motibo ngayon ay ang relasyon ng biktima at isa sa mga suspek.


Sa salaysay ng mga witness, nakita raw nila ang tatlong lalaki sa nasabing lugar. Ayon kay Caramat, “Nakita nila yung biktima na duguan sa ulo, inililipat from the victim’s car to another car at nakita nila na duguan, nililipat ng tatlong lalaki.”

Baka Bet Mo: Kiray Celis saksi sa kung paano minahal at inalagaan ni Mygz si Mahal

Sabi pa ni Caramat, “Through our RAG (Regional Advisory Group) gallery ng CIDG, they positively identified and they were very certain about it na yun talaga yung nanutok sa kanila through his tattoos at saka yung physical features nila na mukha nila talaga.”

Dagdag pa ng CIDG director, “Quarrel among this victim at saka and yung suspect and allegedly and it is an open secret that they have love relationship.

“Very obvious na doon sa sasakyan nakitang duguan yung ulo ng biktima natin. It’s either hinampas ng baril or binaril du’n mismo sa loob ng sasakyan,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ngayon, hindi pa rin tumitigil ang mga operatiba ng CIDG sa pagkalap ng karagdagang ebidensiya para mas lalo pang mapagtibay ang mga kasong isasampa laban sa suspect.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na may “significant progress” na raw sa  paghahanap ng mga miyembro ng CIDG kay Catherine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending