Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: 'Sana makauwi na siya' | Bandera

Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: ‘Sana makauwi na siya’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 11:27 AM

Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: 'Sana makauwi na siya'

Catherine Camilon

NANINIWALA ang pamilya ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon na buhay pa ang dalaga at darating din ang araw na makakauwi na ito sa kanila.

Ito’y matapos ngang mangako ang Philippine National Police-Calabarzon na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matunton ang kinaroroonan nito.

“We are committing na si Catherine, we’ll bring home Catherine safe,” ang pangako ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police chief, sa pamilya ni Catherine.

“Unang-una, meron nang initial report, ‘no, which I cannot divulge, kung ano po yung natanggap namin na report sa investigation. We are very confident na itong si Miss Catherine, e, buhay pa,” aniya pa.

Sa huling ulat ng pulisya, namataan umano sa isang shopping mall sa Batangas ang dalaga na isa ring guro, ilang oras bago tuluyang hindi na makontak ng kanyang pamilya.

Base sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, nakakuha ng kopya ng CCTV footage ang Tuy Police Station mula sa isang mall sa Lemery kung saan makikitang solong naglalakad ang “missing” beauty queen.

Kuha ang CCTV footage, Huwebes noong nakaraang linggo, bandang alas-7 ng gabi bago nag-text si Catherine sa kanyang ina na nasa isang gasoline station siya sa Bauan, Batangas.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon humiling ng ‘privacy’ sa gitna ng paghahanap, imbestigasyon

“Paglabas ‘yon from that mall, but the last text is sa Bauan siya nagpunta. Negative tayo sa mga CCTV doon,” sabi ni Police Captain Pauline Fernando, PIO Chief, Batangas PPO.

Kasunod nito, nanawagan din ang PNP sa lahat ng may impormasyon hinggil sa posibleng kinaroroonan ni Catherine.

“Hanggang ngayon negative (ang location). Nag-a-appeal din kami sa taumbayan, if there is some information na puwedeng ibigay sa amin para mabilis ang pag-usad,” ayon kay Fernando.

“Pati yung sasakyan na ginagamit niya ay kinukuhanan natin ng info. Hindi kasi siya ang first-hand noong sasakyan. Kung kanino niya ito binili, hinahanap din ýon kung saan. Kaso negative pa kasi lahat daw ng papeles ay na kay Catherine,” aniya pa.

Sabi naman ng nanay ni Catherine na si Rosario, hindi rin daw nagkita si Catherine at ang dapat sana’y kakatagpuin nito sa Batangas City.

“Doon ho sa Balisong Channel, sabi parang matagal na daw ho silang walang contact. Hindi ko ho maalala kung ano yung pangalang sinambit niya na iyon talaga.

Baka Bet Mo: Nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon hindi pa rin natatagpuan, pangako ng pamilya: ‘Hindi kami titigil hangga’t hindi ka nahahanap’

“May tinuran ho siya sa aking pangalan, talaga hong yung sinabi niyang pangalan. Hindi ko ho alam, malaman ho lang namin na maayos siya ‘yon ho’y kasayahan na namin,” ayon kay Rosario sa naturang panayam.

Pero ayon naman kay Mary Rose Rivero, ang station manager ng Balisong Channel, hindi nagpunta sa kanilang opisina si Catherine noong Huwebes, October 12, ang huling araw na nakita ng kanyang pamilya ang dalaga.

“Kasi everytime naman na pupunta siya dito, kaming dalawa yung nagkaka-transaksyon. Wala siyang message, walang call, walang kahit ano,” pagbabahagi ni Rivero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanging dasal ngayon ng pamilya ni Catherine ay makauwi na ito nang ligtas sa kanilang tahanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending