Herlene Budol nag-aalala sa pagkawala ni Catherine Camilon

Herlene Budol nag-aalala sa pagkawala ni Catherine Camilon, panawagan niya: ‘Sis, uwi ka na’

Pauline del Rosario |October 20,2023
facebook
share this

Herlene Budol nag-aalala sa pagkawala ni Catherine Camilon, panawagan niya: ‘Sis, uwi ka na’

Pauline del Rosario - October 20, 2023 - 08:44 AM

Herlene Budol nag-aalala sa pagkawala ni Catherine Camilon, panawagan niya: ‘Sis, uwi ka na’

Herlene Budol, Catherine Camilon

PATI ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol, nanawagan na rin sa publiko upang mahanap si Miss Grand Philippines 2023 Catherine Camilon.

Sa pamamagitan ng kanyang pahayag na ipinaabot sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” inihayag ni Herlene ang kanyang sobrang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang batchmate.

“Catherine Camilon is one of my sisters sa Miss Grand International,” panimula sa inilabas niyang statement.

Mensahe pa ni Herlene, “Sana kung nasaan man siya ay nasa maayos siyang kalagayan at makauwi na siya sa kanyang pamilya.”

Umapela na rin ang beauty queen na agad mag-report sa mga awtoridad sakaling may makuhang mga leads ni Catherine.

Baka Bet Mo: Rufa Mae pinayuhan si Herlene Budol sa pagharap sa mga pagsubok: ‘Tuloy mo lang yung gusto mo, follow your heart wherever you go, go, go!’

“Tulong-tulong po tayo na mag-share ng information para mapabilis ang paghahanap sa kanya,” lahad niya.

Panawagan pa niya sa kapwa-beauty queen, “Sis, uwi ka na.”

Kamakailan lang, humiling ng “privacy” ang pamilya ni Catherine sa gitna ng paghahanap at imbestigasyon.

Noong October 12 pa nang hindi na makontak ng pamilya at mga kamag-anak ang dalaga.

Base sa report ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, bandang 6 p.m. ng araw na ‘yun nang magpaalam sa kanyang ina si Catherine.

Tutungo raw ito sa Batangas City at meron daw imi-meet. 

Ayon sa huling mensahe ng beauty queen sa kanyang pamilya, nasa isang gasoline station siya sa Bauan, Batangas sakay ng isang SUV. 

Ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi na nga nila makontak si Catherine.

Nauna nang sinabi ni Police Major Nephtali Solomon, ang hepe ng Tuy Police station, na nagsagawa na sila ng “flash alarm” para mahanap si Catherine.

Magsasagawa rin ng backtracking ang pulisya para ma-trace ang mga lugar na pinuntahan ni Catherine.

Related Chika:

Nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon hindi pa rin natatagpuan, pangako ng pamilya: ‘Hindi kami titigil hangga’t hindi ka nahahanap’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Babaeng may third eye ginagambala raw ng ‘demonyo’, suot na rosaryo laging napuputol kapag nasa loob ng banyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending