PH bet Liana Barrido bagong reyna ng Miss Tourism International 2024
WAGING wagi ang pambato ng Pilipinas na si Liana Barrido na lumaban sa Miss Tourism International 2024.
Siya kasi ang itinanghal na bagong reyna ng beauty pageant!
Ang international competition ay ginanap sa Malaysia noong Biyernes, December 13.
Ang nagpasa ng korona sa Pinay beauty queen ay ang last year’s winner na si Tia Li Taveepanichpan ng Thailand.
Ayon sa report ng INQUIRER.net, masigabong palakpakan at malalakas na hiyawan ang natanggap ni Liana matapos sumabak sa final round ng question and answer portion.
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo: ‘Ilalaban natin ang pang-limang korona sa Miss Universe!’
Ang naitanong sa kanya ay kung paano niya ide-define ang success at ano ang motivation niya upang makamit ito.
Ang winning answer niya: “As someone who finds her purpose through her weakness, I define success as overcoming the limitation. I used to be just a silent girl, but [as it turns] out, this limitation [made me] an empowered woman who has a purpose.”
Aniya pa, “Success is not the destination, it is the journey we take, the growth we experience, and the positive impact we leave [in this] world.”
Aabot sa 39 contenders ang tinalo ng ating pambato para sa titulong Miss Tourism International.
Bukod sa korona, siya rin ang pinarangalan na “Miss Vitality” award.
Sa mga hindi aware, ang latest crown ni Liana sa nasabing kompetisyon ay pang-anim na ng Pilipinas.
Ang mga Pinay na nauna nang koronahan sa nasabing international pageant ay sina Peachy Manzano (2000), ang yumaong Rizzini Alexis Gomez (2012), Angeli Dione Gomez (2013), Jannie Alipo-on (2017), at Cyrille Payumo (2019).
Kung matatandaan, bago ang panalo ni Liana ay nagwagi rin ang isa pa nating pambato na si Alyssa Redondo bilang third runner-up sa 2024 Miss Intercontinental pageant na nangyari sa Egypt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.