Chelsea Manalo: ‘Ilalaban ko ang pang-5 korona sa Miss Universe!’

Chelsea Manalo: ‘Ilalaban natin ang pang-limang korona sa Miss Universe!’

Pauline del Rosario - May 24, 2024 - 10:08 AM

Chelsea Manalo: ‘Ilalaban natin ang pang-limang korona sa Miss Universe!’

PHOTO: Instagram/@manalochelsea

PUNONG-PUNO ng pag-asa ang bagong reyna ng Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na maiuuwi niya ang ika-limang korona ng Pilipinas mula sa international pageant na Miss Universe.

Ito ay inihayag niya mismo sa kanyang Instagram page isang araw matapos siyang magwagi sa national pageant.

Sa mahaba niyang mensahe, una niyang binigyang-pansin ang mga pagmamahal at suporta na natatanggap niya kaya raw siya nagningning sa kompetisyon.

“I once thought that a fallen star can never be reborn. For years it kept itself absorbed in the dark void. But it once again found its light. I was that star and last night I shone brightest because of all the love and support I received,” caption niya sa IG, kalakip ang stunning photo na suot ang elegant evening white gown.

Kasunod niyan ay isa-isa na niyang pinasalamatan ang lahat ng mga naging inspirasyon niya sa MUPH journey.

Baka Bet Mo: Chelsea Manalo biktima ng pambu-bully, pero nanindigan: I am beautiful!

Siyempre, unang-una na riyan ang kanyang magulang, “You both served as my pillar of strength and inspiration. I never stumbled as I envisioned myself walking with you. I was calm because I imagined you were holding my hands.”

“Every word I spoke came from the genuine heart you both nurtured. Every step I made on the stage, led us to achieving the crown we all dreamed of. You, both, deserve my eternal gratitude,” sey pa niya.

Inilarawan naman niya bilang mga bayani ang kanyang Bulacan Team na laging nasa tabi niya sa buong kompetisyon.

“To my Bulacan Team, you all are my heroes. The challenges I was confronted with was overcome by your magic, kindness and generosity. You never made me feel I was alone. I was empowered because I knew you were all by my side,” mensahe niya.

Nabanggit niya rin ang kanyang MUPH sisters na itinuturing niyang tahanan habang malayo sa kanyang pamilya.

“You treated me like family. I learned many lessons from you that I would carry throughout my journey,” sambit niya.

And lastly, nagpaabot din siya ng pasasalamat para sa maraming tagahanga niya na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan.

“To those who supported me, it was beautiful to know you were all cheering Bulacan even if I didn’t know all of you. Your voices echoed in my head, reminding myself that I should believe in myself because there were people believing in me,” wika ng beauty queen sa IG.

Sa huli, tila nangako si Chelsea na ipaglalaban niya sa international stage ang Miss Universe crown.

“Sa’yo mahal kong Pilipinas, gagawin ko ang lahat para iuwi ang pang-limang korona. Hindi kita bibiguin. Ilalaban natin ito. Maraming Salamat po,” saad ng bagong MUPH titleholder.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manalochelsea (@manalochelsea)

Si Chelsea ang magiging official representative ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico bago matapos ang taong 2024.

Bukod kay Chelsea, wagi rin sina Alexie Brooks ng Iloilo bilang Miss Eco International Philippines 2025, Ahtisa Manalo ng Quezon Province bilang Miss Cosmo Philippines 2024, Tarah Valencia ng Baguio as Miss Supranational Philippines 2025, at Cyrille Payumo ng Pampanga bilang Miss Charm Philippines 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending