Angelica Yulo pwede raw maging beauty queen, pinapasali sa Mrs. Philippines?
MATAPOS maging endorser, may offer ulit para sa ina ni Carlos Yulo na si Angelica.
Siya naman ngayon ay iniimbitahang sumali sa Mrs. Philippines pageant na gaganapin sa March 2025.
Kamakailan lang, nagkaroon ng media conference ang nasabing organisasyon upang ianunsyo ang muling pagbubukas ng aplikasyon para sa mga nais mag-compete for next year.
Kasabay rin niyan ay ang rebranding, kabilang na ang bagong leadership at logo.
At isa sa mga naging topic sa mediacon ay si Angelica na ayon mismo sa presidente ng Mrs. Philippines Organization na si Erika Joy Santos ay may potensyal ito na maging beauty queen.
Baka Bet Mo: Ai Ai nangako kay Angelica Yulo: Bibili ako sa live selling n’ya!
Isa raw sa mga hinahangaan ni Erika kay Angelica ay ang “fashion sense” nito at ang matagumpay na pagpapalaki sa mga atletang anak.
“I wish to speak to Angelica. Maybe I can, you know, be somehow a relief to her. Kahit coffee lang,” sey ni Erika sa naging ulat ng isang media website.
Sagot pa niya sa mga nagtatanong kung pwede sumali si Angelica, “She’s very much welcome to join Mrs. Philippines 2025. Why not?”
“I think na naging gymnast ‘yung mga anak niya because naghirap din siya for it. She surely sacrificed a lot of things para masuportahan lahat ng anak niya. And I believe in the goodness and kindness of motherhood,” dagdag pa ng CEO.
Payo pa niya para sa ina ni Carlos, “So my advice to Miss Angelica Yulo is to love yourself. Stop crying, always smile, and remember that time heals all wounds!”
Nabanggit din ni Erika na kahit hindi celebrity ay pwedeng mag-join sa kompetisyon, basta’t ito ay isang ina.
“There is no restriction for Mrs. Philippines, age limit, or size requirement. We don’t do money-shaming. So everyone, as long as you’re a mother, a single mom, a married woman, or you’re widowed or separated, you are welcome to join Mrs. Philippines 2025,” paliwanag niya.
Patuloy ng presidente ng Mrs. Philippines, “The only exception I would name are single women with no children because we can categorize them in the Miss Pageant series.”
Bukod sa grand prize na P150,000, ang mananalo sa pageant ay hindi ilalaban sa international pageant bagkus ay mangunguna sa outreach projects na gagawin sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.