Ai Ai nangako kay Angelica Yulo: Bibili ako sa live selling n'ya!

Ai Ai nangako kay Angelica Yulo: Bibili ako sa live selling n’ya!

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 10:14 AM

Ai Ai nangako kay Angelica Yulo: Bibili ako sa live selling n'ya!

Ai Ai delas Alas, Eldrew at Angelica Yulo

MULING nagpahayag ng suporta ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

Matapos mag-post ng mensahe si Ai Ai sa social media tungkol sa pinagdaraanan ng ina ni Caloy nitong nagdaang linggo, may pampa-good vibes message na naman ang komedyana kay Angelica.

Nakarating kasi sa Kapuso comedienne ang pagsabak ng nanay ni Carlos sa online selling kaya naman agad siyang nagsabi na aabangan niya ang muling pagla-live nito sa Facebook.

Baka Bet Mo: Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa ‘It’s Showtime’

Nangako si Ai Ai na suportado niya si Angelica sa mga ginagawa nitong diskarte para makatulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya lalo pa’t tila wala pang planong makipagkita si Carlos sa kanila matapos kumita ng milyun-milyon sa 2024 Paris Olympics.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Ang nakasaad sa Facebook post ni Ai Ai, “Nakita ko sila may nag send saken sa messenger. Kelan kaya ulit live selling nila? Bibili ako…support ko live selling nila.”

Ginamit pa ng komedyana ang mga hashtag  #madamingmadami, #letsgomudrakels at #labansabuhay.

Pak na pak ang ginawang live selling ni Angelica sa FB kamakailan kung saan tinulungan pa siya ng anak na si Karl Edriel Yulo sa pagtitinda ng mga “branded” t-shirt at beauty products.

Bukod dito, mabentang-mabenta rin ngayon ang tindang longganisa ni Angelica at iba pang pagkain.

Nauna nga rito, nagpahayag din ng suporta si Ai Ai kay Angelica hinggil naman sa alitan nila ng anak na si Caloy pati na rin sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.


Naniniwala pa rin daw siya sa kasabihanh “mothers know best” pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak.

“Siyempre umiibig ang ating olympian … pero may kasabihan nga pagibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang…pero mas naniniwla ako sa kasabihan (pagdating to sa pagibig ahhh) Mother knows Best.

“At sinasbi ko din yan sa mga anak ko pagdating sa pagibig kasi na experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pag dating sa usaping lovelife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayun flop lahat pero si Gerald nagustuhan nya o tama na naman si mother. Yun lang bye,” ang pahayag pa ng award-winning actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending