Herlene nagbago ang isip, bet pa ring sumali sa beauty pageant

Herlene Budol nagbago ang isip, bet pa ring sumali sa beauty pageant: ‘Magpapatalino muna ako at magpe-pray’

Pauline del Rosario |August 07,2023
facebook
share this

Herlene Budol nagbago ang isip, bet pa ring sumali sa beauty pageant: ‘Magpapatalino muna ako at magpe-pray’

Pauline del Rosario - August 07, 2023 - 06:01 PM

Herlene Budol nagbago ang isip, bet pa ring sumali sa beauty pageant: ‘Magpapatalino muna ako at magpe-pray’

PHOTO: Facebook/Herlene Hipon Budol

MATAPOS ang mahigit isang linggo, tila nagbago ang isip ni Herlene Budol pagdating sa kanyang pagsali sa beauty pageants.

Magugunita noong July 27 ay opisyal nang nagpaalam si Herlene sa mundo ng pageantry.

Pero ito ay binawi ng aktres matapos siyang ma-interview sa YouTube episode na “Dapat Alam Mo!” kasama ang TV hosts na sina Kim Atienza at Susan Enriquez.

“Herlene, sasali ka pa ba ulit sa ibang beauty pageant or end of the road na ba ang pagiging beaucon-era mo? Yes or no?” tanong ni Susan.

Ang sagot naman ng actress-beauty queen ay “oo ata” at biglang pinalitan ng “maybe.”

Nag-follow up question naman diyan si Kim at sinabing, “Edi ‘yung pag-goodbye mo sa YouTube, hindi pala tunay na goodbye ‘yun?”

Ang sagot ng aktres, “Hindi po.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador may patutsada kay Herlene Budol: Utak muna bago retoke

Ayon kay Herlene, nagawa niyang magpaalam noong una dahil akala niya ay hindi na siya magiging kinatawan ng Pilipinas sa isang global tilt.

“Sinabi ko po na ‘I’m signing off’ kasi wala pa po akong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po,” paliwanag niya.

Sey pa niya, “Kumbaga, wala pa pong franchise na kukuha d’un sa international na paglalabanan ko. After n’un, lalaban pa rin ako sa international.”

Kasunod niyan ay nabanggit din ni Herlene na habang wala pa siyang kompetisyon sa ibang bansa ay gagamitin niya ang kanyang oras upang mas mapabuti ang sarili.

“After n’un, baka magpahinga muna ako at papagalingin ko muna sarili ko. Focus muna ako sa kung anong meron ako ngayon. [M]agpapatalino po ako at tsaka magpe-pray” patuloy niya.

Kung maaalala, naunang sinabi ng beauty queen na kaya ayaw na niyang sumali sa beauty pageants ay dahil pakiramdam niya hindi ito ang nakatadhana sa kanya.

“Siguro nakakatatlong pageants na ho ako, pero hindi pa rin po pwede,” sey niya habang umiiyak.

Paliwanag pa niya, “Ibig sabihin, huwag na nga nating ipilit. Ibig sabihin po ‘nun. Ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing sorry Pilipinas! This is my last pageant, bye bye. Herlene Nicole Budol is signing off.”

Matapos niya ‘yan sabihin ay lalo pa siyang napaiyak at sabay sabing, “Uy di po ako umaarte ah! Nasasaktan lang po ako kasi totoo ‘yung sinasabi niyo na pinipilit ko lang po talaga sumali, na hindi ko po deserve.”

Related Chika:

Patama ni Rendon Labador kay Andrea Brillantes at sa iba pang nilayasan ng dyowa: ‘Maraming pera pero isip bata, iiwanan talaga namin kayo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maris wala pang balak magpakasal kay Rico: At 23, marami pa akong gustong marating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending