Jessica Soho ibabandera ang bilyong dolyar na industriya ng human trafficking; sexual tourism sa Pampanga buhay na buhay pa rin? | Bandera

Jessica Soho ibabandera ang bilyong dolyar na industriya ng human trafficking; sexual tourism sa Pampanga buhay na buhay pa rin?

Ervin Santiago |September 10,2023
facebook
share this

Jessica Soho ibabandera ang bilyong dolyar na industriya ng human trafficking; sexual tourism sa Pampanga buhay na buhay pa rin?

Ervin Santiago - September 10, 2023 - 09:36 AM

Jessica Soho ibabandera ang bilyong dolyar na industriya ng human trafficking; sexual tourism sa Pampanga buhay na buhay pa rin?

Jessica Soho

NGAYONG Linggo, September 10, hatid ng GMA Public Affairs ang isang docu special ukol sa isa sa mga pinakalaganap na krimen sa mundo sa “Secret Slaves: A Jessica Soho Special Report on Human Trafficking.”

Kasama ang most trusted at most awarded broadcast journalist sa bansa na si Jessica Soho, tampok sa “Secret Slaves” ang isang malalimang imbestigasyon at pagtalakay tungkol sa bilyong dolyar na industriya ng human trafficking na bumibiktima sa marami nating kababayan.

Makakasama ni Jessica sa dokumentaryong ito sina senior news correspondents Emil Sumangil at John Consulta.

Sa ilang bahagi ng Southeast Asia, ilang international syndicate na nagpapatakbo ng cryptocurrency scams ang nagre-recruit ng mga Pilipino bilang customer support representatives.

Pero paglapag sa bansang Myanmar, puwersahan silang ginagawang scammers na nanghihikayat sa mga kliyente na mag-invest sa cryptocurrency. Oras na tumanggi o hindi nila maabot ang quota, may katapat itong parusa.

Baka Bet Mo: Dingdong sa 4 na tatakbong pangulo sa 2022: Lumitaw ang may plano at may malalim na pag-unawa sa pamumuno

Siniyasat ni Jessica Soho ang bagong anyong ito ng human trafficking. Nakaharap niya mismo ang ilang nahulog sa patibong ng pagiging cyber scammers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho)


Binisita naman ni Emil ang isang scam hub kung saan foreign nationals ang pinilit na mang-scam. Lumipad naman si John patungong Thailand at Myanmar para alamin ang ilegal na kalakarang ito na nakapambiktima na ng daan-daang Pilipino.

Sa isang lugar sa Metro Manila, isang ina ang naging biktima noon ng tinatawag na cybersex trafficking. Pero ang masaklap, maging ang kanyang limang taong gulang na anak, ipinasok niya umano sa ilegal na kalakaran.

Kasabwat din daw ng ina ang isang sexual trafficker na siyang diumano’y mastermind ng cybersex activity sa lugar.

Nakipag-ugnayan ang Secret Slaves sa National Bureau of Investigation, Inter-Agency Council Against Trafficking, at sa non-government organization na Destiny Rescue International para sa pagsagip sa mga menor de edad na biktima at paghuli sa isa sa mga Most Wanted sexual trafficker sa bansa.

Samantala, sa Angeles City, Pampanga, tila buhay na buhay pa rin ang sexual tourism. Isang impormasyon din ang nakarating sa “Secret Slaves” na isang lugar dito ang ginagamit para sa prostitusyon at sexual trafficking. Ikinasa ng NBI ang isang operasyon para masagip ang mga biktima.

Sa mga nakalipas na taon, isang tagong kalakaran ang patuloy na nabubuhay: ang bentahan ng kidney. Natuklasan ng Secret Slaves na ang bentahan, online na rin. Ang presyuhan, umaabot ng P300,000 – P500,000.

Pero ang mas nakababahala, ang ilang biktima ng illegal organ trade, tinatakot at pinagbabantaan ang buhay kapalit ng kanilang mga bato.

Panoorin ang “Secret Slaves: A Jessica Soho Special Report on Human Trafficking” ngayong Linggo, 8:15 p.m. sa GMA, GTV, at Pinoy Hits.

Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

GMA Network umalma sa ‘biased’ remark ng kampo ni Marcos laban kay Jessica Soho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending