Ina ni Catherine Camilon hinamon ang mga suspek sa kaso

Ina ni Catherine Camilon hinamon ang mga suspek sa kaso na magsalita na

Reggee Bonoan - January 18, 2024 - 04:43 PM

Ina ni Catherine Camilon hinamon ang mga suspek sa kaso na magsalita na

Catherine Camilon

MATAPANG na hinamon ng ina ng nawawala pa ring beauty queen na si Catherine Camilon ang prime suspect sa naturang kaso.

Hindi na napigilan ni Rose Camilon na maglabas ng sama ng loob sa pagtakbo ng kaso ng kanyang anak na hanggang ngayon nga ay hindi pa rin natatagpuan ng mga otoridad.

Lantarang pinagsabihan ni Rose ang pangunahing suspek na si Police Maj. Allan de Castro na magsalita na tungkol sa pagkawala ng kanyang anak noong October, 2023 sa Batangas.

“Kung sila ay walang itinatago, bakit hindi sila magsasalita, hindi ba?” ang pahayag ng nanay ni Catherine sa isang TV interview nang dumalo sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng kaso sa Batangas City Hall of Justice kahapon.

Baka Bet Mo: Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: ‘Sana makauwi na siya’

Naroon sa hearing ang ina ng nawawalang beauty queen at teacher para sa kanyang reply affidavit, kasama ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catherine Camilon (@catherine_camilon)


Ang ipinagtataka at inirereklamo ni Rose ay kung bakit hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang prime suspect pati na ang driver nitong si Jeffrey Magpantay na sumuko sa Balayan Municipal Police Station noong January 9.

“Ewan sa kanila kung ano ang ano nila, kung ano ang meron sa kanila, bakit ayaw nilang magpakita?

Baka Bet Mo: PNP sa kaso ni Catherine Camilon: ‘Wala pang ma-establish na proof of life’

“Di ba kung wala ka namang talagang itinatago, o kahit sino puwede mong harapin, puwede kang magsalita kahit ano ang puwedeng itanong sa iyo,” sabi ni Rose nang hindi siya harapin ni Magpantay nang magpunta siya sa police station last week.

Kung hindi kami nagkakamali, ang naganap na hearing kahapon ay ang ikatlo na sa mga pagdinig na pinuntahan ng ina ni Catherine.

Sa nakaraang hearing para sa preliminary investigation noong January 9 ay hindi sumipot si De Castro dahil ayon sa kanyang abogado ay nilalagnat ito.

Samantala, ipinagdarasal at umaasa pa rin ang pamilya ni Catherine na sa darating na mga araw ay mabibigyang-linaw na ang kaso ng dalaga at sana raw ay matagpuan na nila ito.

Unang napaulat na nawawala si Catherine noong October 12 na siya ring araw nang huli siyang makausap ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling komunikasyon niya sa mga ito ay noong nasa isang gasolinahan siya sa Bauan, Batangas at sinabing makikipagkita raw sa isang kaibigan sa Batangas City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending