PNP sa kaso ni Catherine: 'Wala pang ma-establish na proof of life'

PNP sa kaso ni Catherine Camilon: ‘Wala pang ma-establish na proof of life’

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 12:35 AM

PNP sa kaso ni Catherine Camilon: 'Wala pang ma-establish na proof of life'


Catherine Camilon

MAHIGIT isang buwan at kalahati nang nawawala ang Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Sa kabila ng pagsasampa ng kaso sa mga suspek (kidnapping at serious illegal detention) hinggil sa pagkawala ng beauty queen kabilang na ang isang police major na karelasyon umano ni Catherine ay hindi pa rin siya natatagpuan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makumpirma ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kung buhay pa ang Grade 9.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Noong October 13 pa naiulat na nawawala si Catherine at marami nang nakalap na mahahalagang impormasyon ang PNP kaugnay ng misteryosong pagkawala ni Catherine.

Ayon sa panayam kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo ng SMNI News, “Tuluy-tuloy ang ginagawa nating backtracking pati du’n sa mga CCTV, bagamat mahigit isang buwan na po ito.

Baka Bet Mo: Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: ‘Sana makauwi na siya’

“Although may mga sinabi po si Colonel Malinao du’n sa naging backtracking po nila na may mga lugar po silang nakita kung saan dumaan po itong Nissan Juke, at yun ang nagbigay sa kanila ng mga additional information.

“Bagamat we have to admit, as of now po, wala pa po talaga tayong clear na mai-establish na proof of life ni Catherine po, pati na rin po yung possible location po niya,” paliwanag pa niya na ang tinutukoy na Colonel Malinao ay si Police Colonel Jacinto Malinao Jr., ang regional chief ng CIDG 4A.

Dagdag pa ni Fajardo, “Doon sa fingerprints po ay wala po silang na-lift na latent fingerprints po kasi ginamitan na po nila ng fuming examination po, pero wala po silang clear na latent print na na-lift po sa CRV po.

“Ibig sabihin po noon, there is a possibility na pinunasan or nalinis na po para hindi po tayo maka-lift ng fingerprint.

“But malaking bagay po yung nagkaroon po tayo ng DNA matched doon po sa magulang po ni Catherine dahil ito po ang nagpapatunay na isinakay po doon si Miss Catherine doon sa na-recover po na red CRV,” sabi pa ng opisyal ng PNP.

Ngunit nilinaw ng PNP na hindi pa rin masasabing walang kinalaman sa pagkawala ni Catherine ang mga suspek dahil patuloy pa ring ine-examine ang mga hair strands na nakuha sa inabandonang sasakyan.

Pahayag ni Fajardo, “May ilan lang doon sa hair strands ang nag-match po doon sa DNA profile po ng magulang ni Catherine.

Baka Bet Mo: Miss Grand PH 2023 candidate Catherine Camilon nawawala, pamilya nanawagan: ‘Nasaan ka na? Umuwi ka na…’

“Yung iba po doon ay hindi po nag-match at ibig sabihin po ay mayroon pong nagmamay-ari ng iba o doon sa mga buhok po na na-recover po doon sa loob ng CRV na red po,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catherine Camilon (@catherine_camilon)


Sabi pa niya, sana’y kusa nang makipagtulungan ang pangunahing suspek sa kaso na si Major Allan De Castro at pumayag na itong sumailalim sa DNA test.

Sabi pa ni Fajardo, “We want to encourage definitely si Major De Castro, sinabi naman po niya na handa niyang harapin itong kaso na ito and it would be good faith on his part, he can show good faith on his part na handa niyang harapin itong kaso na ito na magpa-DNA test po siya.

“But hindi natin siya puwedeng puwersahin dahil kailangan nating dumaan sa proseso.

“Kaya gaya ng sinabi ko, is it right for the PNP now to request for his DNA while ongoing yung preliminary investigation or kailangan nating antayin na formal pong mai-file yung kaso sa level ng court before we request the court to allow us to get the DNA profile ni Major De Castro and possibly yung ibang mga suspect po to compare doon po sa mga hair strands na na-recover po sa CRV,” sabi ng opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakatakdang maganap ang preliminary investigation sa kaso sa December 19, 2023 at sa January 9, 2024, kung saan inaasahang magsa-submit ng counter-affidavits ang mga suspek na sina De Castro, ang kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending