Mark Leviste magbibigay ng P100k sa makapagtuturo kung nasaan si Catherine Camilon; PNP may person of interest na sa kaso | Bandera

Mark Leviste magbibigay ng P100k sa makapagtuturo kung nasaan si Catherine Camilon; PNP may person of interest na sa kaso

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 09:10 AM

Mark Leviste magbibigay ng P100k sa makapagtuturo kung nasaan si Catherine Camilon; PNP may person of interest na sa kaso

Catherine Camilon

HINDI tumitigil ang mga operatiba ng PNP-Calabarzon sa paghahanap kay Catherine Camilon, ang teacher at beauty queen na nawawala simula pa noong October 12.

Ang latest, balitang may person of interest nang iniimbestigahan ang Region-4A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Police Office upang matukoy ang kinaroroonan ngayon ni Catherine.

Ayon kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police chief, malaki ang maitutulong ng naturang person of interest para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa dalaga na naging kandidata sa Miss Grand Philippines 2023 pageant last July.

Aniya, kahapon, October 23, nagsagawa ng case conference ang Regional Committee on Missing Persons sa Camp Vicente Lim sa Laguna at dito nga lumutang ang taong hinahanap at iniimbestigahan nila ngayon.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon humiling ng ‘privacy’ sa gitna ng paghahanap, imbestigasyon

Sa report ng “TV Patrol” kagabi, inilabas ang mga CCTV footage kung saan makikita ang sasakyan ni Catherine noong gabi ng October 12, ang huling araw na nakita siya ng kanyang pamilya.

Sa ipinakitang CCTV, dakong alas-8 ng gabi nang dumaan ang sasakyan ni Catherine sa Poblacion Uno, Sta. Teresita, Batangas. Pagsapit naman ng 8:03 p.m., nakita ito sa Barangay Muzon, San Luis, Batangas.


Dumaan din ang sasakyan ng dalaga sa Barangay Cupang, 8:24 ng gabi. Nakita naman itong bumaybay sa Barangay Sta. Maria eksaktong 9:13 p.m. at 9:20 ng gabi, nang dumaan ito sa Barangay Bagilawa.

Baka Bet Mo: Miss Grand PH 2023 candidate Catherine Camilon nawawala, pamilya nanawagan: ‘Nasaan ka na? Umuwi ka na…’

Nakita rin ang naturang sasakyan sa Barangay San Agustin pagsapit ng 9:25 hanggang 9:53 p.m., at eksaktong alas-10 ng gabi, lumabas ang sasakyan sa pinasukang kalye sa Barangay Sta. Maria.

“Ito yung tinutukan nitong committee and hopefully sooner ma-solve natin kung asan na nga ba si Miss Catherine,” ayon kay General Paul Kenneth Lucas.

Tumanggi munang magbigay si Lucas ng iba pang detalye tungkol sa person of interest para hindi makaapekto sa kanilang operasyon.

“We are very optimistic na itong si Miss Catherine ay buhay pa,” mariin niyang sabi.

Samantala, nangako naman si Batangas Vice Governor Mark Leviste na magbibigay ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo kung nasaan ngayon si Catherine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa ito sa P100,000 na reward na ibibigay ng business sector sa Calabarzon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending