PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: 'Sana sumuko na' | Bandera

PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: ‘Sana sumuko na’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 06:45 AM

PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: 'Sana sumuko na'

Catherine Camilon

NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa mga taong nasa likod ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon na sumuko na sa mga otoridad.

Ito’y matapos magbigay ng update si PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. tungkol sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Catherine na ilang linggo nang nawawala.

Ayon kay Acorda, may “significant progress” na raw sa paghahanap sa Grade 9 teacher na naging kandidata rin sa Miss Grand Philippines 2023 last July.

Base sa ulat ng GMA News, hinikayat ng PNP chief ang mga indibidwal at personalidad na sangkot sa pagkawala ni Catherine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catherine Camilon (@catherine_camilon)


“What can I say, there is significant progress in the investigation. And that’s why I am appealing now to those who are involved sana sumuko na,” ayon sa PNP official.

Pero ayaw munang isapubliko ng pamumuan ng PNP ang mahahalagang detalyeng nakalap nila hinggil sa kaso sa gitna pa rin ng isinasagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Baka Bet Mo: Nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon hindi pa rin natatagpuan, pangako ng pamilya: ‘Hindi kami titigil hangga’t hindi ka nahahanap’

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng CIDG ang unang  person of interest sa pagkawala ni Catherine na sinasabing isang police major na karelasyon umano ni Catherine.

Bukod dito, sinampahan na rin ng PNP ng mga kasong estafa at carnapping ang second person of interest sa pagkawala ng beauty queen na sinasabing siyang may-ari ng kotseng gamit ni Catherine noong araw na siya ay mawala.

Ayon sa ulat, peke raw ang nakalagay na pangalan at address sa deed of sale ng kotse.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay may P250,000 pa ring reward sa sinumang makapagtuturo ng eksaktong lugar na kinaroroonan ni Catherine na huling nakita ng kanyang pamilya noong October 12, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending