Inabandonang sasakyan na natagpuan sa Batangas City posibleng may kaugnayan sa kaso ni Catherine Camilon | Bandera

Inabandonang sasakyan na natagpuan sa Batangas City posibleng may kaugnayan sa kaso ni Catherine Camilon

Ervin Santiago - November 12, 2023 - 11:59 AM

Inabandonang sasakyan na natagpuan sa Batangas City posibleng may kaugnayan sa kaso ni Catherine Camilon

Catherine Camilon

NATAGPUAN ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang sasakyan na posibleng konektado sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon sa huling ulat ng CIDG-4A, maaaring may kaugnayan ang nakitang abandonadong kotse sa kaso ng dating kandidata ng Miss Grand Philippine 2023.

Ang naturang sasakyan ay natagpuan sa isang lugar sa Barangay Dumuclay, Batangas City, base na rin sa ilang residente roon

Sinabi ni CIDG-4A chief Police Colonel Jacinto Malinao, Jr. sa isang panayam, ayon sa mga nakasaksi, inabandona umano ang nasabing sasakyan noon pang November 6.

Agad namang dinala ang nasabing kotse sa Batangas Provincial Police Office para sa forensic tests. Sabi ni Malinao, hinihintay pa nila ang resulta ng SOCO kung may mga natagpuang ebidensiya sa sasakyan.

Baka Bet Mo: PNP may bagong natuklasan sa pagkawala ni Catherine Camilon, nanawagan sa mga suspek: ‘Sana sumuko na’

“We are still waiting for the results of SOCO operations for possible presence of biological trace evidence like hair or blood.

“This is a continuing effort aside from other investigative activities that we are conducting,” pahayag niya sa interview ng DZBB.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


October 12 pa naiulat na nawawala si Catherine ngunit hanggang ngayon ay wala pang linaw kung nasaan siya ngayon.

Nitong nagdaang araw ay may dalawang witness ang lumapit sa CIDG para ibunyag ang kanilang mga nalalaman hinggil sa pagkawala ni Catherine.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon humiling ng ‘privacy’ sa gitna ng paghahanap, imbestigasyon

Ayon sa mga ito, nakita umano nila ang beauty queen at Grade 9 teacher na duguan habang inililipat sa isang sasakyan.

Kinumpirma rin nila ang identity ng isang person of interest na iniimbestigahan ng mga otoridad ngayon na pinaniniwalaang isa ring pulis.

Sabi pa ng dalawang saksi, nasa isang bakanteng lote sa isang subdivision umano ang sasakyan kung saan nila nakita ang duguang biktima.

Nauna rito, sinabi naman ng CIDG director na si Major General Romeo Caramat, Jr. na, “Quarrel among this victim at saka and yung suspect and allegedly and it is an open secret that they have love relationship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Very obvious na doon sa sasakyan nakitang duguan yung ulo ng biktima natin. It’s either hinampas ng baril or binaril du’n mismo sa loob ng sasakyan,” dagdag pa ng opisyal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending