Kilalang female star magulo ang lovelife, nabuking na may kinakalantaring ibang babae ang dyowang aktor Bandera

Kilalang female star magulo ang lovelife, nabuking na may kinakalantaring ibang babae ang dyowang aktor

Reggee Bonoan |November 15,2023
share this

Kilalang female star magulo ang lovelife, nabuking na may kinakalantaring ibang babae ang dyowang aktor

Reggee Bonoan - November 15, 2023 - 12:16 AM

Kilalang female star magulo ang lovelife, nabuking na may kinakalantaring ibang babae ang dyowang aktor

Guess, guess, who!?

NAGUGULUHAN daw ngayon ang kilalang aktres sa lovelife niya dahil nakialam na ang kanyang magulang na dati’y botong-boto sa boyfriend niyang aktor.

Sitsit ng aming source, may pinagdaraanan ngayon ang kilalang aktres sa buhay pag-ibig niya dahil naninimbang siya sa dyowa at sa magulang niya.

Mabuti na lang daw at marami siyang ginagawa ngayon na kahit paano ay nawawala muna sa isipan niya ang problema.

Ayaw diretsuhin ng aming source kung bakit biglang nagbago ang pagtingin ng magulang niya sa boyfriend niyang aktor na sati naman ay panay ang puri nila bukod pa sa welcome itong nakadadalaw sa kanilang bahay.

Pero duda ng aming source ay nagsimulang tumabang ang pakikitungo ng magulang ng aktres sa boyfriend na aktor ng kanilang anak nang mabalitaan nitong may ibang babae ang binata na hindi naman nabalita kasi ingat na ingat ito.

Baka Bet Mo: Ruffa super iwas pa rin sa usaping ‘Bistek’ at lovelife: My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan!

“Noong una ay hindi naman naniwala si Mommy (nanay ng kilalang aktres) kasi alam naman niya ang showbiz puro tsismis, pero nag-iimbestiga na siya.

“At nu’ng finally may nakausap siyang taong nagpatunay na totoo ang tsismis sa aktor at sa babae nito, hayun naging matabang na sila kay ____ (boyfriend ng aktres).

“Sobrang mahal kasi nina ____ at ____ (magulang ng kilalang aktres) si ____ (aktor) tapos hindi siya naging honest, actually second time nang nagloko. Sabi lang hindi naman seryoso wala lang, e, siyempre matatanggap ba yun ni ____ (kilalang aktres) na wala lang?” pahayag ng aming kausap.

Sobrang iniingatan pa naman daw ng kilalang aktres ang relasyon nila ng boyfriend niyang aktor kasi nga gusto nito maayos sila at walang isyu plus pinagkakatiwalaan sila ng mga magulang nila.

“As of now nag-uusap naman sila (aktor at kilalang aktres), hindi naman sila break, pero nag-iisip talaga si girl. Kasi nga ‘yung parents niya binigyan siya ng choices yata,” sabi pa ng aming source.

Matagal na naming na-blind item dito sa BANDERA ang isyung ito na sabit pa ang kaanak ng aktor kasi nga nahuli siyang kasama ang babae na pumasok sa kuwarto niya.

Boto kami kina aktor at kilalang aktres, pero may kasabihan nga na minsan ka nang naloko, posibleng ulitin pa at saka second time na kasi, so hihintayin pa ba ang ikatlo?

* * *

Ang tindi ng Kapamilya teleseryeng “Senior High”dahil  pagkatapos nitong makalikom ng isang bilyong views sa TikTok kasabay ng pagbubukas ng bagong kabanata ng serye ay may pasabog na trailer uling inilabas para sa bagong kabanata.

Nabulabog ang netizens sa sunod-sunod na rebelasyon kaugnay sa pagbubuntis ni Luna noong namatay siya. Ipinasilip dito ang posibleng “baby daddy” na si Gino (Juan Karlos), ang dating lover ni Luna, at si Professor Castrodes (Floyd Tena), ang dating vice-principal ng Northford na ikinulong dahil sa panggagahasa ng isang estudyante noon.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca ready nang makipag-date ulit, aamin na nga ba sa ‘real score’ sa kanila ni Chie Filomeno?

Lalo namang magiging komplikado ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Luna sa pagpasok ng karakter ni Grae Fernandez sa buhay ni Sky (Andrea Brillantes) bilang ang misteryosong binata na si Yosef.

Samantala, maglalabasan na rin ng baho sa mga love triangle sa serye dahil lalong magiging close sa isa’t isa sina Poch (Miggy Jimenez) at Tim (Zaijian Jaranilla), habang manggagalaiti sa galit si Harry (Baron Geisler) dahil sa panloloko ng kanyang asawang si Sasha (Desiree Del Valle) kasama ang katrabaho niyang si Darius (Ryan Eigenmann).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang mga rebelasyon sa “Senior High” gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending