Ruffa super iwas pa rin sa usaping 'Bistek' at lovelife: My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan! | Bandera

Ruffa super iwas pa rin sa usaping ‘Bistek’ at lovelife: My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan!

Ervin Santiago |August 17,2022
facebook
share this

Ruffa super iwas pa rin sa usaping ‘Bistek’ at lovelife: My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan!

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 10:45 AM

Vic del Rosario at Ruffa Gutierrez

CERTIFIED Viva Artists Agency talent na ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez matapos pumirma ng kontrata kahapon sa production company ni Boss Vic del Rosario.

Maraming plano ang Viva Entertainment kay Ruffa, kabilang na ang paggawa ng mga pasabog na pelikula kaya excited na ang TV host-actress sa mga susunod na buwan para sa kanyang showbiz career.

“I’d like to welcome Ruffa. Dito sa VAA, lalong sisigla pa ang career niya.

“Alam mo naman, narating na niya yung dapat marating. Gagawan namin ng plano siya para lalo pang mag-expand ang kanyang potential bago siya mag-asawa,” mensahe ni Boss Vic kay Ruffa sa ginanap na virtual mediacon kahapon para sa contract signing ng aktres.

Nag-react naman ang nanay ng aktres na si Annabelle Rama sa sinabi ng may-ari ng Viva tungkol sa pag-aasawa, “Naku Ruffa, huwag ka nang mangarap!” Na tinawanan lamang ng kanyang anak.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Sabi ni Ruffa, looking forward na siyang magtrabaho sa Viva Films at makasama ang mga pambatong contract artists ng film company ni Boss Vic. Excited na rin siya sa mga bago at challenging roles na ibibigay sa kanya ng Viva.

Samantala, ibinalita rin ni Boss Vic na posibleng bumalik na rin sa Viva ang rumored boyfriend ni Ruffa na si Herbert Bautista dahil sa pagpirma ng aktres ng kontrata sa VAA.

Kaya naman natanong si Boss Vic kung pwede bang magsama sina Ruffa at Herbert sa isang project, “Kung may magandang script, why not? Siyempre, artista pareho ‘yan, saka alam ko, malakas ang demand na mapagsama yung dalawa sa pelikula.”

Kasunod nito, natanong nga si Ruffa kung ano na ang estado ng kanyang lovelife ngayon, “My God! Para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan.

“Ang love life naman, when you’re at this age, kailangan makinig sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin, like our family, our career.

“We should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, who support you when you need the support.

“Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career.

“Understood na lahat ‘yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa ‘yo.

“Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life. Ang mga lovelife naman, puwedeng tahimik ‘yan. Hindi kailangan i-broadcast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“A lovelife should just add spice to your life. It shouldn’t be the major priority,” mahabang sagot ng aktres pero wala pa ring pagtanggi o pagkumpirma kung magdyowa na talaga sila ni Herbert.

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

‘Status’ nina Herbert at Ruffa walang label: Uso pa ba yun? Basta it’s a mature relationship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending