Pokwang sinopla ang mga epal na bashers: ‘Emergency nga po, di ba? Emergency! Hindi lahat ng pagkakataon ay perfect!’
“BEAST mode” na naman ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang dahil sa isang epal na netizen na nagkomento sa kanyang social media post.
Pinalagan ng komedyana ang naging comment ng basher sa ipinost niya sa kanyang X account (dating Twitter) tungkol sa kawalan ng pharmacy sa mga gasoline stations sa mga expressway.
Pagtataka ni Pokie, “Napansin ko lang bakit walang kahit maliit na pharmacy man lang sa mga gas stops sa mga expressway?
“Diba importante yon kapag may emergency? puro kainan lang? napansin ko lang naman po,” aniya pa.
Maraming X users ang um-agree sa punto ng TV host dahil naranasan na rin nila ang ganitong sitwasyon, lalo na nga kapag may emergency. Pero may mga nambasag din sa obserbasyon ni Pokwang.
Baka Bet Mo: Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments ng netizens.
“DAPAT talaga meron. Pero can businesses sustain it? Bihira ang emergency, madalas yung gutom.”
View this post on Instagram
“Dapat mga convenience stores located sa mga gas stations should also have a mini-pharmacy na basic travel meds & supplies e.g., for fever, diarrhea, vomiting, motion sickness, NSAIDS/pain meds, cold & allergy remedies – pero need tauhan ng reg. pharmacist coz meds affect driving.”
Baka Bet Mo: Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot
“I think meron pong convenience stores na nagbebenta ng basic meds like paracetamol.”
“Nice observation. Usually sa mga convenient stores dun may tinda silang basic medicines para sa lagnat, diarrhea mga ganun po.”
“Magandang investment idea yan, Mamang. Mahirap lang kasi kailangan ng registered pharmacist kahit gaano kaliit yung drugstore.”
Ang sabi naman ng isang netizen kay Pokwang, “Kung babyahe ka dapat may first aid kit ka sasakyan. Kaya mo nga bumili ng sasakyan at mag travel eh, first aid kit hindi ka bibili. Mema ka na nman eh.”
Bwelta sa kanya ni Pokwang, “Taga antipolo ka? pahanap kita ha! squamy! TAE!”
Sey naman ng isa pa sa komedyana, “Pero di ba dapat kapag nagtravel tayo may dala na din tayong first aid kit and basic meds.”
Tugon dito ni Pokwang, “Emergency nga diba po? Emergency! hindi lahat ng pagkakataon ay perfect.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.