Kris Aquino may 'medical emergency', pupunta sa Amerika para magpagamot | Bandera

Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot

Reggee Bonoan - January 15, 2022 - 07:51 PM

Kris Aquino may 'medical emergency', pupunta sa Amerika para magpagamot

“MEDICAL emergency” ang rason kung bakit tinutulungan ng Philippine government si Kris Aquino para makalipad patungong Amerika para makapagpagamot siya.

Dati-rati kasi ay sa Singapore ang laging tungo ni Kris dahil nandoon ang mga duktor niya na siyang nakakaalam sa tunay niyang sakit.

Pero base sa kuwento ni ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” online show kasama si Romel Chika nitong Biyernes ng hapon ay naikuwento niyang sa Amerika ang tungo ni Kris at may mga inaayos lang dahil nga mahigpit ngayon ang health protocols dahil mataas ang kaso ng COVID 19.

“Tinutulungan na siya ng mga taga-gobyerno para makalipad agad pa-Amerika kasi magkakaroon talaga ng medical emergency, ‘yun ang gamit nila (government) medical emergency. Akala ko matutuloy siya sa Singapore,” kuwento ng online host.

Dagdag ni Romel Chika, “Oo nga nanay di ba sa Singapore siya kasi nandoon ang mga duktor niya?’

“E, paano nga, e, umuwi rin naman siya na walang nangyari, di ba? Dahil hindi rin natunton kung saan nanggagaling ‘yung kanyang sakit, so, iiba (ng duktor) naman siguro siya ngayon,” sagot ni ‘nay Cristy.

Ipinapakita ang larawan at video ni Kris habang tsumitsika si ‘nay Cristy sat napansin niyang napaka-nipis na nga ng vein nito.

“Walong beses daw muna na try na try bago makakita ng ugat na pupuwedeng saksakan ng dextrose. Ito ‘yung video niya na ayaw na ayaw kong nakikita, sobrang payat pati braso niya saka ‘yung pisngi niya lumubog na.

“Talagang-talagang bagsak ang kanyang weight ngayon at patuloy pa rin po ng pagbabawas ng timbang si Kris hangga’t hindi natutuklasan kung ano talaga ang kanyang sakit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Napakahirap no’n di ba? Sabi nga, mas matatanggap na natin na kaya pumanaw ang isang tao ay dahil hindi na niya kayang ipaglaban ang gastusin.

“Kesa makarinig tayo ng nawala ang isang tao ng sobra po sa sapat ang kanyang pera dahil wala pong nagagawa ang pera pagdating sa health.

“ Maraming bagay ang hindi kayang bayaran ng pera, paulit-ulit nating sinasabi, mahimbing na tulog kahit gaano pa kaganda ang kama mo kamamahal, ‘yung appetite kahit gaano pa kasarap ang mga pagkain hindi po ‘yan nabibili, ‘yng health lalo na no health, no wealth,” paliwanag ni ‘nay Cristy.

Hirit ni Romel Chika, “at saka ‘yung peace of mind talaga.”

Sinang-ayunan din ito ng batikang manunulat, “hindi po nabibili ang kapayapaan ng kalooban. Kasama po dati diyan ang pagmamahal kaso may naibebenta nap o kasi. May pagmamahal nang nabibili kaya hindi na isinama sa grupo ng mga bagay=bagay na hindi na kayang bilhin ng pera. Harinawa ay patuloy po ang aking panalangin n asana malampasan ni Kris itong pinaka-matinding hamon sa kanyang buhay, ito na ‘yun, ito na ‘yung pinakamatindi. Lahat naman nalalampasan niya, eh, sana kasama ito na malampasan din niya.”

Wish din namin dito sa BANDERA ang paggaling ni Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending