PAGASA: Posibleng magkaroon ng bagyo sa mga susunod na araw
PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area malapit sa Mindanao.
Ayon sa weather bureau, posible itong pumasok sa ating bansa at may malaking tsansa na maging isang ganap na bagyo.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,400 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.
“Base sa pinakahuling datos na ating nakalap, malaki ang potensyal na itong Low Pressure Area na ito ay maging bagyo posible ngayong araw o bukas,” sey ni Weather Specialist Obet Badrina sa press briefing ngayong November 13.
Patuloy niya, “Araw ng Miyerkules (Nov. 15) ng umaga, papasok na po ito ng Philippine Area of Responsibility at posibleng bandang araw ng Huwebes (Nov. 16) ay nasa loob na ito ng Philippine Area of Responsibility bandang umaga.”
“Kapag buwan ng Nobyembre, ‘yung kadalasan na track ng bagyo ay dito sa may bahagi ng Visayas or Mindanao o kung minsan ho, ito ay nagre-recurve patungo sa may bahagi naman ng Japan,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, ‘Yun ho ‘yung mga usual track natin ng mga bagyo kapag buwan ng Nobyembre at Disyembre.”
Baka Bet Mo: Dating Pangulong Duterte isinugod sa ospital matapos madulas sa kanyang kwarto
Habang wala pang direktang epekto ang LPA sa ating bansa, ang nagpapaulan ay ang Hanging Amihan at Shearline.
“Patuloy ang pag-iral ng Northeast Monsoon o mas kilala nating Hanging Amihan, partikular na dito sa may Northern and Central Luzon. Ito ang magdadala ng posibilidad na mga isolated o pulo-pulong mahinang pag-ulan,” chika ni Badrina.
Dahil sa dalawang weather systems, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon, at Northern Samar.
Uulanin din ang Cagayan Valley at Apayao, pati na rin ang Ilocos Region, ang nalalabing lugar ng Central Luzon, at natitirang parte ng Cordillera Administrative Region.
Asahan naman ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila.
Read more:
Vatican: Pwedeng binyagan, maging ‘godparents’ ang mga transgender
DOH: Nagsisimula nang tumaas ang mga kaso ng ‘flu-like illnesses’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.