Dating Pangulong Duterte isinugod sa ospital matapos madulas sa kanyang kwarto
DINALA sa ospital ang dating pangulo na si Rodrigo Duterte kamakailan lang.
‘Yan ay matapos siyang madulas sa kanyang bahay sa Davao City.
Ang nakakagulat na pangyayari ay ibinalita ni Senador Bong Go sa kanyang Facebook page.
“Aksidenteng nadulas sa kuwarto ng kanyang bahay si dating pangulong Rodrigo Duterte,” caption sa post.
Wika pa, “Kaya naman sinamahan siya ni Senador Bong Go sa Davao Doctors Hospital nitong Biyernes, November 3, para magpa-check-up.”
Baka Bet Mo: Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?
Gayunpaman, laki ang pasasalamat ng senador dahil naging maayos naman ang kalagayan ng dating pangulo.
“Salamat sa Diyos, ok naman ang X-ray ni Tatay Digong,” sey sa pahayag ng senador.
Kwento pa, “Walang anumang komplikasyon at nasa maayos na lagay na ngayon si Tatay Digong matapos itong magpa-Xray.”
Makikita rin sa FB post na game na game na nagpa-picture ang dalawa sa ilang medical frintliners at mga staff ng ospital.
“Buong pusong nagpasalamat si Senator Bong Go sa lahat ng medical frontliners dahil sa kanilang serbisyo at sakripisyo lalo na noong panahon ng pandemya,” ani pa sa FB.
Makikita sa comment section na maraming netizens ang naging concern kay Tatay Digong at karamihan sa kanila ay lubos ding nagpapasalamat na naging maayos ang kalagayan niya.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Praise God ok na siya. Let’s pray for his good health, he is the best president of the Philippines, greetings from Netherlands.”
“Salamat naman po ganon lang ang nangyari at wala pong dahilan para mag-wheelchair at neck brace [ folded hands emoji].”
“Salamat Senator sa update at laging pag-alalay, mag-iingat ka parati Tatay Digong [red heart emoji] Thank God at wala pong naging diperensya sa aksidente mo po. God bless always po and Take care.”
Kung maaalala noong 2021, may kumakalat na chismis na nagde-deteriorate na umano ang kalusugan ni Dating Pangulong Duterte matapos hindi magpakita sa publiko ng ilang araw.
Pero paglilinaw naman ng kanyang tagapagsalita noon na si Harry Roque na malusog na malusog ang dating pangulo.
Read more:
Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na
Lolit hinamon si Pangulong Duterte: I-reveal na yan… huwag itago!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.