Elizabeth Oropesa 'nanaksak' sa school gamit ang ballpen: 'Bad ako, mahilig akong makipag-away noon' | Bandera

Elizabeth Oropesa ‘nanaksak’ sa school gamit ang ballpen: ‘Bad ako, mahilig akong makipag-away noon’

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 12:04 PM

Elizabeth Oropesa 'nanaksak' ng estudyante sa school gamit ang ballpen: 'Bad ako, mahilig akong makipag-away noon'

Elizabeth Oropesa

NAKAKALOKA pala ang naging karavaan sa buhay ng award-winning veteran actress na si Elizabeth Oropesa noong kabataan niya.

Nagpakatotoo si La Oro (palayaw ng premyadong aktres) sa pagkukuwento tungkol sa mga naging kaganapan sa kanyang buhay, partikular na noong nag-aaral pa siya.

Ibinahagi ito ni Elizabeth sa panayam ng kapwa niya aktres na si Snooky Serna na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel.

Inusisa ni Snooky kay Elizabeth kung ano bang klaseng estudyante siya noon bago siya napasabak sa pag-aartista.

“Ako po e tourist. Kasi palipat ako nang lipat ng school. Noong araw kasi, palaging ipinapatawag ng principal ang nanay ko,” rebelasyon ni La Oro.

Sundot na tanong ni Snooky sa kanya, “Pero hindi dahil sa bad girl?”

“Bad. Bad ako. Mahilig akong makipag-away noon,” pag-amin pa ng beteranang aktres. Aniya, kung may isang ugali siya na pwede niyang ipagmalaki yan ay ang pagiging honest at down to earth niya.

Dugtong pa ni La Oro, “I was bad because I always getting into a fight at physical yun, ha! Ang laki ko, e.”

Baka Bet Mo: Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n’ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!

At dito na nga niya naichika na meron pa siyang sinaksak na kapwa estudyante noong nag-aaral pa siya gamit ang kanyang ballpen.

“‘Yung first kiss ko, inabangan ako sa ilalim ng hagdan sa Biology class. Pag-ikot kong ganyan (minuwestra ang aksyon), sinaksak ko ng ballpen, yang mga ganyan, ganu’n alo,” napatawang chika ng veteran star.

Nilinaw naman agad ni Elizabeth na kahit palagi siyang napapaaway noon sa school ay maayos naman ang nagiging grades niya sa kanyang mga subjects.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jacqueline Elizabeth Freeman (@elizabethoropesa)


Nauna rito, naikuwento rin ni Elizabeth sa isang vlog ang nakakalokang pangyayari nang itanghal siya bilang Miss RP Luzon noong 1972.

Isinali raw siya ng kanyang nanay sa nasabing beauty pageant sa edad na 15 kahit na alam nilang 18 years old ang minimum age requirement.

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa dinenay na gustong magkaposisyon sa gobyerno: Masama bang umasa na sana makahingi ng photo na may dedication?

Wala naman daw siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng nanay niya dahil pangarap din daw nito ang maging beauty queen noong kabataan nito.

“Ang bata-bata ko pa, kinse lang ako nu’n. E, di pinasok ako doon. Noong araw kasi, 18 above, e ang laki ko, ang tangkad ko 5’8 ako e.

“So, pagpasok ko du’n, to make the long story short, nanalo ako,” pag-alala ni La Oro sa pagsali niya sa naturang pageant.

Kasunod nga nito, may mga nabwisit at napikon daw after niyang manalo. Nagsumbong ang mga ito sa organizers ng contest na underage raw siya.

Kaya agad daw siyang pinatawag ng mga taong nasa likod ng pageant at hiningi ang kanyang birth certificate. Doon na raw nalaman na 15 lang siya.

“E, may Marites, tsinismis. Binawi yung napanalunan ko,” pahayag ni Elizabeth.

“Yung nanay ko ayaw isauli yung korona. Hindi niya sinoli yung korona, Sinauli na lang namin lahat ng napanalunan. Nasa bahay pa rin namin sa Bicol (yung korona),” kuwento pa ni La Oro.

“Wala akong regrets na sumali ako at that age kasi nabigyan ko ng kasiyahan ang nanay ko. Siya yung masayang-masaya sa pagkapanalo ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit na binawi, okay lang kasi it was an unforgettable experience for me at naging daan din iyon para maging artista ako,” pahayag ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending