Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n'ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko! Bandera

Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n’ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!

Therese Arceo |March 29,2022
share this

Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n’ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!

Therese Arceo March 29, 2022 - 04:44 PM

Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n'ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!

MATAPOS mag-trending ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa ukol sa pagiging “bayaran” at “hindi bayaran” ng ilang mga artistang sumusuporta sa mga kasalukuyang kumakandidato ngayong darating na eleksyon, ay ang balik hamon naman ng talent manager na si Ogie Diaz.

Nanindigan kasi ang aktres na “hindi bayaran” ang mga artistang sumusuporta sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pati na rin sa running mate nitong si Sara Duterte-Carpio at handa itong ipaputol ang kanyang dalawang paa kapag napatunayan na hindi totoo ang kanyang sinasabi.

“Natutuwa ako para dun sa mga artistang kinukuha nila kasi sigurado ako may TF yan. Ang ibig sabihin ng TF ay talent fee.

“Eh sa atin (BBM camp) walang TF. Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama,” saad ni Oropesa.

Nag-react naman si Ogie sa naging pahayag ni Oropesa laban sa kanilang mga artistang sumusuporta kay VP Leni.

 

 

Noon pa man ay hayagan na ang ipinapakitang suporta ng talent manager para sa kasalukuyang bise presidente kaya naman hindi nito maiwasan na mag-react sa patutsada ni Oropesa patungkol sa mga “kakampink”.

Ibinahagi ng talent manager ang artcard ni Oropesa mula sa News5 sa kanyang Facebook account.

Ani Ogie, “Sige po, pakigalaw na po ang itak. Pero since kayo yung accuser, patunayan nyo. Aware naman kayo na uso ang resibo ngayon, maglabas kayo ng ebidensiya.”

Dagdag pa niya, “Elizabeth Oropesa ka, hindi ka si Marites.”

Maging sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay napag-usapan nila ang naging pahayag ng beteranang aktres.

“Ako po, tumitindig. Ni singkong duling, wala po kaming tinanggap. Wala rin pong inalok dahil kami po ang unang nagpresinta sa sarili namin sa team ni VP Leni para mag-host,” pahayag ng talent manager.

Singit pa ni Mama Loi, “Sampu ng iba pang artista, lahat ‘yun voluntary. Wala pong tinapik doon na ‘Pwede ba kayo?’… Kaya nga po iba iba ang nakikita n’yo kasi ini-schedule, mabigyan ng pagkakataon.”

Dagdag pa ni Ogie, “Kaya naman ako, noong sinabi n’yang ipapaputol n’ya ang dalawa niyang paa kung may mapatunayan na may binabayaran sa kanyang kampo, sa amin mas pinatutunayan n’ya na meron binayaran.”

Hamon pa niya, “Kapag pinaputol n’ya yung dalawa niyang paa, ipapaputol ko ang notes ko.”

Sinabi rin ni Ogie na ‘wag maging eksaherada at kung may gustong panindigan ay panindigan na lamang.

“Pero ‘yung para i-discredit ‘yung ibang tao dahil lang sa may ibang tao kang sinusuportahan, huwag,” hirit pa niya.

Iginiit naman ni Ogie na hindi siya galit sa aktres ngunit hindi lang tama para sa kanya ang ginawa nito.

 

Related Chika:
Elizabeth Oropesa handang ipaputol ang dalawang paa, nanindigang hindi bayaran ang mga sumusuporta kay Bongbong

Hamon ni Korina sa bashers: Nasaan na ang mga troll na bayaran, napagod na ba kayo?

Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n’yo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ikauunlad ng Pilipinas

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending