Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n'yo na makakatulong sa buhay n'yo at sa ikauunlad ng Pilipinas Bandera

Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n’yo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ikauunlad ng Pilipinas

Ervin Santiago |February 20,2022
share this

Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n’yo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ikauunlad ng Pilipinas

Ervin Santiago - February 20, 2022 - 01:06 PM

Aljur Abrenica at AJ Raval

“WELCOME sa lahat ng bashers comment lang kayo!” Iyan ang matapang na hamon ng sexy star na si AJ Raval sa lahat ng bashers niya sa social media.

Matapos ngang maglabasan ang mga bagong litrato nila ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica na kuha sa isang hotel sa Leyte nitong nagdaang Valentine’s Day ay pinutakti na naman ng hate comments ang dalaga. 

Kahapon, Feb. 19, sinabihan ni AJ ang mga netizens na mag-post na ng mga kanegahan at offensive na salita laban sa kanya para sa kanilang kaligayahan.

“Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba.

“Welcome sa lahat ng bashers, comment lang kayo.

“Feel free to bash don’t be shy ilabas nyo yang galit nyo na makakatulong sa buhay nyo at sa ika uunlad ng pilipinas,” ang diretsahang mensahe ng anak ng aktor na si Jeric Raval sa kanyang Facebook account.

In fairness, sa halip na matakot at mahiya talagang kumasa sa hamon ng aktred ang ilang bashers.
Isang netizen ang nag-post sa comments section ng FB post ni AJ ng litrato ni Kylie Padilla, ang estranged wife ni Aljur. May caption itong “the legal,” na tila ipinamumukha sa sexy star na si Kylie pa rin ang legal wife.

Hindi siya pinatulan ni AJ at tanging tatlong heart emojis ang reply ng dalaga.

Sinagot din ng aktres ang basher na nagsabing, “Maghubad ka na lang Aj Raval. Di pede sau topic na pang matalino.” Simpleng bwelta sa kanya ng aktres, “TAMA!!!!!”

May nagpayo rin sa kanya na  huwag nang dyowain si Aljur dahil may pamilya na ito at siguradong marami pa siyang makikilang lalaki na walang sabit at magmamahal sa kanya. Baka raw gamitin lang siya ni Aljur.

Hirit na sagot ni AJ na may tonong nang-aasar, “Babasahin ko sana kaso ang haba.” 

Sey naman ng ilang FB users, kaya raw tinawag ni AJ na “bobo” ang mga hindi umiintindi sa sitwasyon ng iba ay dahil iyon ang “LINYAHAN NG MGA BABAENG GUILTY AT WALA MAIDAHILAN.”
Sagot lang ng dalaga, “Nakakaiyak huhu.”


Samantala, sa isa namang Instagram post ni AJ ay makikita ang short video clip ng isang babaeng binuhat nang walang kahirap-hirap ng isang lalake habang nasa beach. 

Naka-tag sa IG video si Aljur at isa sa mga nag-like sa post ni AJ ay si Kylie.

Nauna rito, dinenay na ni Aljur na nag-date sila ni AJ sa isang hotel sa Leyte last Valentine’s Day. Hindi raw sila nagpunta roon para magbakasyon kundi para suportahan ang isang kooperatiba na nag-imbita sa kanila sa lugar.

“Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ta’s nagbihis lang to freshen up para sa show. 

“Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Tapos picture, tapos ang dating parang ilang araw kami du’n. Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan,” paglilinaw ni Aljur.

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending