Hamon ni Korina sa bashers: Nasaan na ang mga troll na bayaran, napagod na ba kayo? | Bandera

Hamon ni Korina sa bashers: Nasaan na ang mga troll na bayaran, napagod na ba kayo?

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 08:08 AM

Korina Sanchez

KAHIT nagpaliwanag na tungkol sa kontrobersyal niyang Instagram post na may konek sa COVID-19 pandemic, ayaw pa ring tantanan ng mga bashers si Korina Sanchez.

Hanggang ngayon ay binabanatan ng mga netizens ang veteran broadcast journalist at TV host matapos mag-post ng kanyang swimsuit photo sa IG noong Jan. 9, 2022 na may “insensitive” caption daw. 
 
Ang laman ng deleted IG post ng news anchor, “Lahat nagka covid na. Ako never pa. And im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Umani nga ito ng sandamakmak na negatibong komento hindi lamang sa mga followers niya sa social media kundi maging sa ilang celebrities na na-offend sa ipinost ni Korina.

At dahil nga sa dami ng bumatikos sa kanya, nag-post uli siya ng mga litrato niya sa IG na kuha pa rin sa beach kalakip ang mensaheng, “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—even as Im all over for work I have to do. 

“Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito,” pahayag pa niya. Kasunod nito, sinabi ni Korina na nagkaroon lang daw siya ng “miscalculation of words” sa nauna niyang caption na siyang dahilan kung bakit binura ang unang IG post.

View this post on Instagram

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Lahat ng pumuna sa kanyang deleted post ay binuweltahan ng dating news anchor at tinawag pang mga trolls habang nagpasalamat naman siya sa mga nagtanggol at nakakaaunawa sa kanya.

Nito namang nagadaang Jan. 13, muling nagparamdam si Korina at tila hinamon pa ang mga bashers.  Aniya sa mga ito, “So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo? (laughing emojis).”

Isang netizen ang nagkomento na ni-retract daw ni Korina ang nauna niyang post. Ngunit depensa ng veteran broadcaster, “I didnt retract. I just said it in a way that negatrons cant comprehend (laughing emoji).”

Komento naman ng isang IG user, hindi siya naniniwala nagkaroon lang ng “miscalculation of words” ang asawa ni dating Sen. Mar Roxas dahil alam niyang matalino ito. Aniya, talagang yun daw ang totoong nasa puso at isip ni Korina.

Resbak ni Korina sa netizen, “Ikaw din. Wag kang judgemental. Be humble.” Ayaw na rin daw niya itong patulan dahil sa pagiging troll nito.

May nag-suggest sa kanya na mag-post na lang siya ng tungkol sa anak niyang twins para makalimutan na at ma-divert ang atensyon ng publiko.

Tugon ni Korina sa netizen, “Ang need kalimutan hindi ang post ko. Dapat kalimutan at itapon sa ibang planeta ang mga TROLL na bayaran.”

Sabi naman ng isang nagtanggol kay Korina, bakit daw lahat na lang ng sasabihin ng news anchor ay hinahaluan ng malisya ng ilang netizens. 

Paliwanag ni Korina, ang ibig lang niyang sabihin ay blessed ang mga hindi nahahawa at tinatamaan ng COVID-19 at wala siyang sinabing “nagkulang na o hindi blessed” ang mga nagkakaroon ng virus.

“Baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover,” sey pa ni Korina.

Pagtatanggol pa ng isang IG user kay Korina, “misunderstood” lang daw ang broadcaster kaya nais muna niya itong bigyan ng benefit of the doubt sa tunay na kahulugan ng deleted post nito.

Pero ang sabi ni Korina, “Ummm… I didnt kill anyone. I just thanked (God) Ive never been infected. Nothing wrong saying that.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off
https://bandera.inquirer.net/288662/korina-kinakarir-ang-pagpapabata-para-abutan-pa-ang-debut-nina-pepe-at-pilar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending