Maganda, tisay na aktres naloka matapos pagselosan

Maganda at tisay na aktres naloka matapos pagselosan ng kapwa-aktres

Reggee Bonoan - November 10, 2023 - 08:28 AM

blind item

LUKANG-LUKA ang maganda at tisay na aktres dahil pinagdudahan siyang nagpi-flirt sa aktor na boyfriend ng aktres na hindi muna aktibo ngayon sa showbiz dahil nagpapahinga at napagod daw.

Magkasama kasi sa isang serye ang maganda at tisay na aktres at aktor na boyfriend ni aktres at dahil love interest nila ang isa’t isa kaya hindi maiwasang may mga titigan at magkayakap.

Walang kissing scene o bed scene sina maganda at tisay na aktres at ang aktor boyfriend ng aktres kaya walang dahilan para sabihing nagpi-flirt ang una.

Kapag napapadaan daw sa location ng shooting ang aktres ay nagdadala siya ng pagkain para sa lahat pero ang totoo ay para raw magmasid-masid at kunwari nakikipag-tsikahan sa taga production.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

Natuwa pa raw si maganda at tisay na aktres dahil ang bait at supportive ng aktres sa aktor boyfriend nito kaya hindi na magtataka ang una kung mauuwi sa simbahan ang relasyon ng dalawa.

Heto na ang chika, pagkaalis ni aktres ‘yung ilang mahahadera sa prod (production) chumika kay maganda at tisay na aktres at sinabing pinagseselosan siya at nagpi-flirt daw kasi siya sa aktor boyfriend nito.

Ang mga malalaki at mabilog na mata ng maganda at tisay na aktres ay lalong nanlaki at hindi kaagad nakapagsalita.

Sabi na lang daw nito, “busy po ako at may boyfriend na po ako.”

Nakarating ito sa aktor boyfriend at kinompronta ang dyowang aktres na noong una ay itinanggi pa pero sa kalaunan ay inamin na rin daw.

Ang aktor boyfriend ay “nagsabing, ‘ang hirap kausap. Pinapaliwanagan ko na, eh, bahala siya’.”

Matino at mapagmahal si aktor boyfriend sa dyowa niya kaya iniintindi nito ang drama ng syotang aktres.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua napiling leading man ni Jane para sa muling paglipad ni Darna?

Aiko Melendez first time na ‘di makakasama ang mga anak sa Mother’s Day: That completely breaks my heart…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending