Joshua napiling leading man ni Jane para sa muling paglipad ni Darna? | Bandera

Joshua napiling leading man ni Jane para sa muling paglipad ni Darna?

Alex Brosas |April 20,2021
facebook
share this

Joshua napiling leading man ni Jane para sa muling paglipad ni Darna?

Alex Brosas - April 20, 2021 - 06:07 PM

SI Joshua Garcia na nga ba ang magiging leading man ni Jane de Leon sa bagong TV remake ng “Darna”?

Sa virtual conference kasi ng Star Magic Workshops for 2021 ay nadulas si direk Rahyan Carlos at naikuwento nito ang participation ni Joshua sa “Darna.”

Noong una, direk Rahyan reminisced about Joshua’s disinterest in attending workshop matapos itong lumabas sa “Pinoy Big Brother” house.

“Nu’ng lumabas siya sa “PBB,” pinag-workshop siya sa akin, tapos ang tamad-tamad niya mag-attend ng workshop.

“Ang sabi ko lang sa kanya, ‘if you’re not gonna be diligent in attending the workshop and doing assignments and doing rehearsals, walang mangyayari sa ‘yo,” kuwento ni Direk Rahyan.

Mukhang natauhan si Joshua sa sinabi sa kanya kaya nagsipag itong mag-attend ng workshops. With that, mas lalo itong gumaling bilang actor. Mas lumalim ang acting nito at naging totoo ang kanyang acting.

“Hanggang sa mamayang konti, nag-attend siya nang nag-attend ng workshop. Humusay nang humusay, hanggang naging ‘ibang klase ka  ah.’ Tapos ngayon, siya na ‘yung nag-a-ask ng workshop,” chika pa ni direk Rahyan.

Then one day, humingi uli ng workshop sa kanya si Joshua, “Sabi niya, ‘Direk mayroon akong role.’ I’m talking about Joshua Garcia. ‘Direk mayroon ako ngayon for Darna, pwede bang mag-one-on-one workshop sa ‘yo?’ Wow, ikaw na nag-a-ask sa akin ng workshop ha,” say ni direk Rahyan.

* * *

Malakas ang paniniwala ni Tisay (Heaven Peralejo) na hindi nagpakamatay si Cai (Barbie Imperial) at patutunayan niya ito sa huling tatlong linggo ng “Bagong Umaga.”

Nang huling magkausap nang harapan ang dalawa, hindi naman nagparamdam si Cai na siya ay magpapakamatay. Lalo pang lumakas ang kutob ni Tisay nang malaman na minadali ng nasabing ospital ang pagpapaembalsamo rito.

Dala ng galit sa pagdidiin ni Tisay kay Cai sa pagkamatay ni Gab, sinisi pa ni Dodong ito (Yves Flores) sa nangyari.

Hindi nila alam na tama ang hinala ni Tisay at talagang sinadyang patayin ni Diana si Cai bago pa nito mabunyag ang lahat ng ginawa niya.

Mapatunayan kaya ni Tisay na si Diana ang may kagagawan nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundan ang huling tatlong linggo ng “Bagong Umaga: sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending