Lisa ng Blackpink nawalan ng personal account sa Weibo, anyare?

Lisa ng Blackpink nawalan ng personal account sa Weibo, anyare?

Pauline del Rosario - November 02, 2023 - 01:33 PM

Lisa ng Blackpink nawalan ng personal account sa Weibo, anyare?

PHOTO: Instagram/@lalalalisa_m

USAP-USAPAN sa social media at tila nabalot ng kontrobersiya si Lisa, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink.

Bigla kasing nawala ang kanyang verified account sa sikat na Chinese social media network na kung tawagin ay “Weibo.”

Nitong November 1, may ilang netizens ang sumubok na i-access ang page ni Lisa, ngunit ang lumalabas lamang ay isang notification na nagsasabing hindi na makikita ang kanyang account dahil sa mga di umano’y paglabag sa mga panuntunan ng platform.

“The account can’t longer be viewed because it has received complaints of breaches of law and regulations, as well as relevant rules from the Weibo Community Management Regulations,” pahayag sa page.

Baka Bet Mo: Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

Walang malinaw na detalye kung anong klaseng complaints ang nakuha ni Lisa, pero base sa patakaran ng nasabing web ay automatic nilang sinusupinde o tinatanggal ang mga page na lumalabag sa censorship rules ng kanilang bansa o ‘yung mga account na nagdudulot ng maraming kontrobersiya.

Ang pagkawala ng account ni Lisa ay ilang linggo matapos ang kanyang mga pagtatanghal sa Crazy Horse Paris.

Para sa kaalaman ng marami, ang nabanggit na venue ay one of the city’s top burlesque club.

At ang naging performance ni Lisa sa nasabing lugar ay nagdulot ng kontrobersiya sa ilang parte ng Asya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LISA (@lalalalisa_m)

Taong 2016 nang magsimula ang Blackpink hanggang sa unting-unting nakilala sa iba’t-ibang bansa.

Si Lisa ay isang Thai at nag-iisang miyembro ng grupo na walang lahing Korean.

Siya rin ang may pinakamaraming followers sa China matapos tumampok bilang coach sa isang reality dance show ng nasabing bansa.

Nitong taon lamang ay nag-headline sila sa isa sa pinakamalaking music festival na Coachella ung saan nakapag-collaborate sila sa sikat na singers kagaya nina Lady Gaga at Selena Gomez.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hollywood film ni Liza Soberano na ‘Lisa Frankenstein’ ipalalabas na sa February, 2024

‘Barbie’ movie gumawa ng kasaysayan, humakot ng $1-B sa takilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending