‘Barbie’ movie gumawa ng kasaysayan, humakot ng $1-B sa takilya
MATAPOS masangkot sa kontrobersiya sa ating bansa, gumawa ng kasaysayan ang live-action film na “Barbie.”
Nilagpasan na kasi nito ang billion-dollar mark sa box-office!
Tatlong linggo nang ipinapalabas sa mga sinehan worldwide ang pelikula at kumita na ito ng $1.0315 billion o mahigit P55.9 billion.
Dahil diyan, nagtala rin ng record ang direktor ng pelikula na si Greta Gerwig bilang kauna-unahang solo female director na kumita ng billion-dollar film.
Tuwang-tuwa naman siyempre ang Co-Chairs at CEOs ng Warner Bros. Motion Picture Group na sina Michael De Luca at Pam Abdy at lubos na pinuri ang lahat ng mga bumubuo sa naturang pelikula.
“A massive achievement like this is possible when you have an incredible filmmaking team, with cast and crew coming together to create a truly special moviegoing experience,” sey nina Michael at Pam.
Patuloy pa nila, “Along with our partners at Mattel, and with the support of the entire Warner Bros. Discovery family, we are thrilled that audiences the world over are embracing the ‘Barbie’ movie in such a profound way.”
Baka Bet Mo: Ilang celebrities, netizens naki-join sa viral filter na ala-‘Barbie’ poster
“With ‘Barbie’ becoming the biggest film at the summer box office, Greta now joins an elite group of writer/directors whose singular vision has generated $1 billion at the global box office, a milestone that is testament to her brilliance and to her commitment to deliver a movie that Barbie fans of every age want to see on the big screen,” anila.
Ang kwento ng live-action film ay umiikot sa “women empowerment,” pati na rin sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Barbie upang harapin ang bagong mundo na kanyang napuntahan, ang “Real World.”
Ang gumanap bilang iconic fashion doll ay walang iba kundi ang Oscar-nominee actress na si Margot Robbie, habang ang katambal niya riyan bilang “Ken” ay si Ryan Gosling.
Matatandaang muntikan nang hindi payagang ipalabas sa ating bansa ang nasabing pelikula dahil sa kontrobersyal na “nine-dash line.”
Ngunit matapos ang deliberasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay pinayagan din ito sa mga lokal na sinehan.
Related Chika:
Mga pelikulang ‘Barbie’, ‘Oppenheimer’ umarangkada na sa mga sinehan
Gitarista ng Eraserheads na si Marcus Adoro nag-sorry sa pamilya at mga ka-banda: ‘Pasensiya na…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.