Bea Alonzo hindi nang-aaway ng babae, paalala ng ina: You can never seduce a happy husband | Bandera

Bea Alonzo hindi nang-aaway ng babae, paalala ng ina: You can never seduce a happy husband

Therese Arceo - October 28, 2023 - 01:30 PM

Bea Alonzo hindi nang-aaway ng babae, paalala ng ina: You can never seduce a happy husband
NANINIWALA ang aktres na si Bea Alonzo na ang mga cheating partners ang dapat na kinokompronta at hindi ang mga taong itinuturing na third party.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay napag-usapan nila ang pinakabagong Kapuso seryeng pagbibidahan ng aktres na pinamagatang “Love Before Sunrise” kung saan natalakay rin ang ginagampanan niyang karakter.

Si Bea ang gaganap bilang asawa ng karakter ni Dennis Trillo habang si Andrea Torres naman ang gaganap bilang third party ng dalawa.

At isa nga sa mga natanong sa kanya ni Tito Boy ay anong gagawin ng aktres sakaling may pumasok sa relasyon nila ng kanyang fiancèe na si Dominic Roque.

Tila hirap naman si Bea na sagutin ang tanong dahil hindi tulad ng karakter nila ni Dennis sa serye ay hindi pa naman sila kasal ng kasintahan.

“Sa lahat naman ng pagkakataon, masasaktan ka but you really have to find the person worth fighting for. And maybe I’ll fight for Dom,” sagot ng aktres.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque kabado sa kasal, pero excited nang magka-baby together

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sundot na tanong ni Tito Boy, “Ikaw ba yung tipong manunugod? Ikaw ba yung tipong tatawag?”

Mabilis na sagot ni Bea, “Hindi, Tito Boy. Si Dom ’yung aawayin ko.”

Aniya, noong bata siya ay may palaging paalala ang kanyang ina ukol sa mga pakikipag-relasyon.

“Hindi talaga ako nang-aaway ever ng babae kasi paulit-ulit sinasabi sa akin ng nanay ko ever since bata ako: you can never seduce a happy husband. If he’s happy, he can never be seduced.”

Matatandaang noong July 2023 nang ibandera ni Bea sa madlang pipol na engaged na siya sa kanyang showbiz dyowa na si Dominic Roque.

Ang kanilang engagement ay ginanap sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Bago pa ito ay marami nang bali-balitang na-engage na noon sina Bea at Dominic na mariin naman nilang pinabulaanan.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Related Chika:
Bea pangarap makagawa ng international movie; type makatrabaho si Bradley Cooper

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Dream wedding’ nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa 2024 baka hindi na matupad, anyare?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending