Toni Fowler naniniwala sa second chance: ‘Para kasi sa akin mas katangahan kapag hindi ka na nagmahal’
NEVER mapapagod ang aktres at content creator na si Toni Fowler na magtiwala at magbigay ng pagmamahal sa mga taong karapat-dapat.
Ayon sa isa sa mga cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo” naniniwala siya sa second chances dahil alam niyang wala namang perpektong tao at lahat ay nagkakamali at naliligaw ng landas.
“Napakasarap magmahal, bakit mo ipagdaramot ‘yon sa puso mo o sa sarili mo?” ang sabi ni Toni nang mapag-usapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”
View this post on Instagram
“Para kasi sa akin ‘yun ang mas katangahan, kapag hindi ka na nagmahal. Ganu’n siya,” ang hirit pa ng kontrobersyal na vlogger.
Ngunit agad din naman niyang nilinaw na may hangganan din ang lahat ng bagay sa mundo.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!
Okay lang magbigay ng second o third chance huwag naman daw yung paulit-ulit na ngang nagkakamali at nanloloko ay give pa rin nang give ng chance.
“Pero ‘yung magbibigay ka ng pang-1,782 chances (sa parehong tao) hindi na dapat. ‘Yun na ‘yon.
“Lahat deserve ng second chance. Second chance lang, huwag naman 2,000 chance,” sabi pa ni Toni Fowler na ang karelasyon ngayon ay si Vince Flores.
Kamakailan ay kinasuhan ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang content creator dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in a Relation sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
View this post on Instagram
Ang mga naghain ng kaso laban kay Toni sa Pasay City Prosecutiors Office, sa Pasay City ay sina Atty. Leo Olarte, President ng KSMBPI, at Atty. Mark Tolentino, at Atty. John Castrisciones, KSMBPI Director.
Baka Bet Mo: Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko
Ayon sa mga abogado ng naturang organisasyon, nagdesisyon silang idemanda si Toni dahil sa tatlong music video nito na kumakanta at nagpe-perform umano ng mga kabastusan.
May mga eksena pa raw sa nasabing music video kung saan ipinakita ang maseselang parte ng katawan ng lalaki.
Ipinunto pa ng grupo na maraming kabataan ang nakakapanood ng mga video ni Toni sa social media kahit pa may disclaimer pa itong “for adults only” o bawal sa mga bata.
Sabi pa ng KSMBPI, bawat video raw ay may multa na P6,000 hanggang P12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.