Rendon Labador inireklamo matapos mag-FB Live sa pag-raid ng PNP sa isang online lending company; iimbestigahan ng Anti-Cybercrime Group | Bandera

Rendon Labador inireklamo matapos mag-FB Live sa pag-raid ng PNP sa isang online lending company; iimbestigahan ng Anti-Cybercrime Group

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 02:59 PM

Rendon Labador inireklamo dahil nag-FB Live sa pag-raid ng PNP sa online lending company; iimbestigahan ng Anti-Cybercrime Group

Rendon Labador

UMALMA at nagrereklamo ngayon ang mga empleyado ng isang online lending company sa Makati City na sinalakay ng mga otoridad nitong Biyernes, October 20.

Ang operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa kumpanyang GOLDEN Koi, ay isinagawa base sa natatanggap nilang reklamo ng umano’y panghaharas at pananakot ng mga tauhan nito sa mga kliyenteng hindi nakakabayad ng utang.

Kinukuwestiyon ng pamilya ng mga empleyado ng naturang kumpanya ang ginawang pagla-live sa Facebook ng social media personality na si Rendon Labador sa ginawang operasyon ng PNP.

Partikular na tinukoy ng mga ito ang pagpapakita raw sa mukha ng ilang staff sa lending company sa nasabing FB Live na anila’y labag daw sa batas.

Parang pinalalabas daw sa video na guilty na sila sa mga kasong ibinabato sa kanila samantalang wala naman daw silang ginagawang masama at hindi pa naman napapatunayan na sila’y nagkasala.

Bukod dito, marami ang nagtatanong kung bakit daw kasama si Rendon sa naganap na police operation samantalang hindi naman daw ito bahagi ng kapulisan at hindi rin taga-media.

Baka Bet Mo: Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

Sa FB post ni Rendon makikita pa rin ang video ng naganap na PNP operation kung saan nilagyan pa niya ito ng caption na, “GALIT NA GALIT sa akin ang mga kamag anak at kapamilya ng mga napasama sa PNP ACG operations kanina!

“Naintindihan ko ang damdamin ng mga kapamilya at mga magulang ng mga naisama sa operations ng PNP ACG kagabi, pero isipin din natin na kailangan itong mapigilan dahil MAS MARAMING kababayan natin ang nasisira ang mga buhay,” ang sabi pa ni Rendon sa kanyang post.

Paliwanag naman ni PNP-ACG spokesperson Police Captain Michelle Sabino, may collaboration daw sila kay Rendon kaya nakasama siya sa operasyon, “He is asking for a partnership with me, with us, with ACG na tutulong siya with the advocacy.”

Sabi naman ni Rendon, “‘Yung Boses ng Bayan kasi ito ay partnership namin with PNP para sa adbokasiyang maipagtanggol ‘yung mga ordinaryong tao.”
Nagpaliwanag din si Sabino tungkol sa mga nakitang mukha ng mga empleyado sa FB Live ni Rendon. Aniya, sinabihan nila ang mga empleyado na takpan ang kanilang mga mukha.

“Hindi pa siya sanay sa ganito. It’s a work in progress, I’ll guide kung kailangan,” ang pagtatanggol ni Sabino kay Rendon na nagsabi naman ng, “Ita-try ko na maging careful para at least maiwasan ‘yung mga ganito.”

Ngayong araw, ibinahagi rin ni Rendon ang official statement ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) tungkol sa naganap na pagsalakay sa GOLDEN Koi. Narito ang kabuuan ng kanilang paliwanag.

“On October 20, 2023, the PNP ACG, in collaboration with the Philippine Anti-Organized Crime Center (PAOCC), executed a meticulously planned operation targeting GOLDEN KOI, a company allegedly involved in online lending apps. This operation was carried out after securing a court-authorized warrant.

Baka Bet Mo: Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: ‘Mabait naman siya’

“In the spirit of transparency, we granted media access to the operation, in accordance with existing police operational protocol, without compromising the operation’s integrity. Major media networks, including vbloggers, were given limited access to cover the operation with utmost consideration for their personal safety.

“It’s important to clarify that media, including the renowned vblogger, Rendon, were allowed access only after the execution of the operation. Rendon and other media representatives were present as reporters and vbloggers, similar to any other media personnel. Rendon’s presence, along with major networks like ABS-CBN and GMA7, ensured comprehensive coverage.

“Addressing concerns about the potential violation of privacy committed by Rendon, we will thoroughly investigate this matter. If any violation is confirmed, we will take appropriate and corrective action.

“During interviews with GMA7, ABS-CBN, and Rendon, we also made sure to capture our own video footage, which can be shared with other networks that may have arrived later.

“In terms of our collaboration with Rendon, it’s essential to clarify that this partnership is unrelated to the recent operation. The PNP ACG actively collaborates with various agencies and businesses, such as GCASH, Maya, Globe, Smart, PLDT, PNB, DMW (formerly POEA), and SCAM Watch Philippines (a social media page).

“Together, we work on public awareness campaigns to educate the public about the evolving tactics of scammers. We welcome anyone willing to collaborate with the PNP ACG in our efforts to reach a wider audience and keep the public informed and vigilant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We hope that this statement addresses the various issues currently circulating on social media and in the news. The PNP ACG remains committed to its mission of combating cybercrime and ensuring the public’s safety and awareness.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending