Claudine nagmakaawa sa Media, pero tinawanan lang ng Netizens | Bandera

Claudine nagmakaawa sa Media, pero tinawanan lang ng Netizens

Ervin Santiago - April 12, 2014 - 03:00 AM


NAAAWA kami kay Claudine Barretto. Sa kabila kasi ng pagmamakaawa niya at paghingi ng tulong sa media para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang mga anak, tila wala nang naniniwala at wala nang gustong sumeryoso sa kanya.

Siguradong marami na ang nakakaalam tungkol sa kumalat niyang tweet sa social media na may mga tao raw na gustong manakit, pumatay at mang-blackmail sa kanya.

Sa katunayan, may isang tao raw na nakapasok sa kanilang bahay ay tinangka silang lasuning mag-iina. Nag-report na raw siya sa mga otoridad tungkol sa mga ginagawang panghaharas at pananakot sa kanya at sa mga anak nila ni Raymart Santiago, pero sabi ni Claudine, mukhang gagawin daw ng mga taong ito ang lahat para mapabagsak siya.

Ito raw ang dahilan kung bakit nag-post na siya sa kanyang Twitter account tungkol sa mga nangyayari. Pero sa kabila nga ng mga naging pahayag ng aktres, mukhang hindi na nga naniniwala sa kanya ang publiko.

Nagtanung-tanong kami sa ilang taong nakabasa ng mga post ni Claudine sa Twitter kung kumbinsido ba sila sa mga pinagsasasabi ng dating misis ni Raymart, at halos lahat sila ay natawa lang.

Sabi pa nga ng isa naming nakausap, “Ilang beses na ba niyang nagawa ‘yan. Paulit-ulit na lang, ang magandang gawin niya, ibigay na muna niya kay Raymart ang mga bata, at umalis siya ng bansa, hanapin muna niya ang kanyang sarili at baka pagbalik niya rito sa Pilipinas, okay na lahat.”

Sey naman ng isa pa, “Kung may gustong lumason sa kanya at sa mga anak niya, at kung totoo ngang nasa panganib ang buhay niya, mag-hire siya ng maraming bodyguard na magpapatrolya ng 24 oras sa bahay nila.

O kaya, humingi na siya ng tulong kay P-Noy, dumiretso na siya sa Presidente!”  Pero para kay Claudine, wala na siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba laban sa kanya, basta ang importante raw ngayon ay ang kanilang kaligtasan.

( Photo credit to claudinefanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending