Frank Magalona ni-like ang 'homewrecker' tweet ng isang netizen | Bandera

Frank Magalona ni-like ang ‘homewrecker’ tweet ng isang netizen

Therese Arceo |October 19,2023
facebook
share this

Frank Magalona ni-like ang ‘homewrecker’ tweet ng isang netizen

Therese Arceo - October 19, 2023 - 12:41 PM

Frank Magalona ni-like ang 'homewrecker' tweet ng isang netizen

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang kumakalat na screenshot ng liked tweet ng anak ni Francis Magalona na si Frank Magalona.

Ito ay lumabas sa kalagitnaan ng paglantad ng umano’y dating karelasyon ng kanyang ama na si Abegail Rait kasama ang kanilang love child na si Gail Francesca.

Si Frank ay ang panganay na anak nina Pia at Francis Magalona.

Ilang araw na rin ang nakalipas buhat nang sumabog ang rebelasyon na ito na mapapanood sa latest episode ng vlog ni Boss Toyo na “Pinoy Pawnstars” kaya naman marami rin sa madlang pipol ang curious kung ano ang pahayag ng naiwang pamilya ni Kiko ukol sa isyung ito.

Baka Bet Mo: Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

Marami rin sa mga netizens ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa paglantad nina Abegail matapos ang matagal na panahon.

“I find it weird watching the video of Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M., saying, ‘15 years akong nanamihik.’ Of course, you will. You’re a mistress. Duh,” saad ng netizen.

Makikita namang ni-like ni Frank ang naturang tweet at kalat na rin sa iba pang social media platforms ang screenshot nito.

Dagdag pa nga ng netizen sa kanyang tweet, “And people looking at this woman with sympathy and romanticizing their affair, but all I thought about in that moment was the housewife who fought beside her cheating husband during those years of battling with cancer, all the while trying to hold her family together.”

Samantala, wala pa namang pormal na pahayag si Frank o kahit sino mula sa kanilang pamilya hinggil sa balitang ito.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Related Chika:
Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

Elmo sa kaso ni Frank Magalona: Nandito lang ako para sa kapatid ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending