Bitoy inalala ang pagpanaw ng ama, ibinuking na super fan ni Gabby: ‘Nakita ko naman ‘yung saya sa mata n’ya habang unti-unti s’yang napipikit’
HANGGANG ngayon ay nakakaramdam pa rin ng pangungulila ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. sa pagpanaw ng kanyang ama apat na taon na ngayon ang nakararaan.
Naglabas ng saloobin si Bitoy sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account last Sunday, October 15, tungkol sa kanyang namayapang amang si Mang Cesar.
Nag-post ang komedyante at direktor ng litrato ng ama kasama ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion kung saan binalikan ng Kapuso comedian ang ilang alaala ng kanyang tatay.
Baka Bet Mo: Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito
“During his last moments, ‘pina-alala ko sa kanya ‘yung mga huling travels namin.
View this post on Instagram
“‘Yung mga lugar na dati, sa TV lang namin nakikita; mga gamit na hindi namin kayang bilhin noon; mga pagkain na ini-imagine lang namin ang lasa,” ang pahayag ni Bitoy sa caption ng kanyang post.
Dugtong pa ni Michael V, “Nakita ko naman ‘yung saya sa mata n’ya habang unti-unti s’yang napipikit.
Baka Bet Mo: Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love
“Sinabi ko rin sa kanya na lahat ng sarap at saya na natikman n’ya habang nabubuhay s’ya, walang sinabi kumpara du’n sa pupuntahan n’ya. Basta buksan n’ya lang ang puso n’ya, si Lord na ang bahala,” aniya pa.
Patuloy pang mensahe ni Bitoy, “Nakaka-miss si Tatay. Pero kampante ako na masaya s’ya sa kinalalagyan n’ya ngayon.
“At para du’n sa mga nagtatanong ‘yung nakasalamin po si Mang Cesar. And yes, fan po s’ya ni Gabby!” pahabol pa ni Bitoy.
Sumakabilang-buhay si Mang Cesar noong October 12, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.