Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito Bandera

Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

Reggee Bonoan |September 18,2021
share this

Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

Reggee Bonoan September 18, 2021 - 02:13 PM

KASALUKUYANG nasa lock-in taping ngayon ang anak ni Aiko Melendez na si Andre Ylllana para sa TV series na “Di Na Muli” na mapapanood na simula ngayong 8 p.m. sa TV5 mula sa Viva Entertainment produced ng Sari Sari at Cignal.

Pagbibidahan ni Julia Barretto ang “Di Na Muli” kasama rin sina Marco Gallo at Marco Gumabao with the support of Bobby Andrews, Baron Geisler, Katya Santos, Mickey Ferriols, Lander Vera Perez, Liz Alindogan, at Angelu De Leon mula sa direksyon ni Andoy Ranay na isinulat naman ni Noreen Capili.

Ikalawang cycle ng taping na ito ni Andre at masayang ibinalita ni Aiko na sa unang suweldo ng anak ay nilibre niya ang buong pamilya niya.

Pinost ng aktres ang larawan ng anak sa kanyang Instagram account at ang caption, “Share ko lang nu’ng una sumuweldo si Andre Yllana alam n’yo ba ano una nya ginawa? He treated the whole family for dinner tapos binilhan n’ya lola n’ya Elsie Castaneda ng apple watch.

“Sabi n’ya ‘mama ano gusto mo?’ Sabi ko, ‘anak tago mo muna mag-ipon ka. Kapag naka-ipon ka na du’n mo na ako uli bilhan ng sa tingin mo pwede mo iregalo sa akin.

“And sagot ni Andre, ‘mama ‘wag na mga bags ahhh. Sayang pera.’ Yes anak nagbago na ako simula ng pandemic di ko na a-appreciate ang branded bags .

“And he asked again? Mama si Marthena Jickain (kapatid ng aktor) ano kaya pwede ko iregalo sa kanya?’

At tuluyan ng naluha si Aiko sa tinuran ng anak dahil, “Ganyan ka-sweet at generous si Andre sa pamilya. Sabi n’ya, ‘mama kapag di na ECQ or MECQ or kapag totally wala na virus kapag pwede na lahat ililibre ko si tito Jay Khonghun ahh’ naluha ako slight kasi di ko akalain lahat kami asa isip n’ya.

“Di man million pa kinikita ng anak ko pero likas sa kanya ang pagka-generous kaya alam ko Andre i-blessed ka ni Lord kasi di ka madamot.

“Go go anak ayan na malapit na ilabas ang show ninyo! Goodluck anak. We love you so much! Alam ko Proud din tatay (Jomari Yllana) mo s’yo. We are all rooting for you. Salamat LORD.”

At hindi nakalimutan ni Aiko na pasalamatan ang nangangalaga sa showbiz career ng anak.

“Thank you ms @veroniquecorpus @vivaartistsagency for Everything that You do for Andre, ms @mhitpimentel your alaga salamat din po s’yo.”

Umabot sa mahigit 11k ang nag-like at kulang 300 comments.

Si Ruffa Gutierrez ang unang nagpadala ng komento sa pamamagitan ng emoji clapping hands, sinundan ni Ogie Alcasid, emoji hearts naman kay Sunshine Garcia at heart din mula sa manager ng binata na si Ms Veronique.

Mula naman sa netizens ay pinuri nila ang pagpapalaki ni Aiko kaya lumaking mabait at magalang ang anak.

Isa na si @balnaohmi, “You raised him well moma what he saw in you while growing is exactly what he is doing right now you are his role model kaya ganyan s’ya kabait (emoji clapping hands) wish him more projects and more success with his good looks and talent, he will surely go far.”

Nagpasalamat naman ang aktres, “@balnaohmi sweetest compliment ever salamat.”

Say naman ni @jazzmeehakoitoh, “When you have good parenting it will never go wrong. You did well raising both of your kids. And lastly it’s nice for you to share his success with his father. That’s how a good mother you are. That is why mommy always says you’re her favorite.”

Sabi naman ng aktres na lagi niyang isinasama ang ama ni Andre sa lahat ng achievements ng anak kahit hindi sila nag-uusap nito.

Sagot ni Aiko, “@jazzmeehakoitoh always naman, Jomari and I may not be in speaking terms but I will always be grateful to him for giving me Andre one of my greatest blessing.”

Hindi na namin isusulat lahat dahil halos iisa ang mensahe na pinupuri ang mga anak ng aktres kasama na si Marthena na sobrang marespeto.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending